Naka-move on na siya! China Roces, pinakilig ang fans sa bagong manliligaw

Naka-move on na siya! China Roces, pinakilig ang fans sa bagong manliligaw

- Sa isang Facebook video, ibinahagi ng social media sensation na si China Roces ang tungkol sa kanyang bagong manliligaw

- Hindi pa nire-reveal ni China ang tungkol dito na pinakilala bilang si "Mr. Anonymous"

- Sa isang video ni China kasama ang isa pang internet star na si Erika Embang, masayang ibinahagi nito na naka-move on siya

- Nakilala si China bilang FHM model at nang pumatok ang tambalan nila ng ex niyang si Tim Sawyer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kilig ang hatid ng isang video na ibinahagi ng social media sensation na si China Roces na nag-share tungkol sa kanyang bagong 'manliligaw'.

Sa isang Facebook video ni China, isang lalaki na naka-face mask ang dumalaw sa kanya with matching flowers and gifts pa.

Kita naman ang happiness sa mukha ni China na parang itinatago pa ang kilig na nadarama.

Read also

Anthony Taberna, tinanggap na ang komento ng KPop fans ukol sa kamukhang aktor

Naka-move on na siya! China Roces, pinakilig ang fans sa bagong manliligaw
Photo: China Roces and Tim Sawyer with son Timothy
Source: Facebook

Hindi pa nire-reveal ni China ang tungkol sa kanyang manliligaw na ipinakilala bilang si "Mr. Anonymous".

Dati na ring lumabas sa isang video ni China ang lalaki ngunit hindi ipinakita ang mukha at hindi pinangalanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Pag may umalis, ay bagong dadating na mas better. Deserve mong ligawan at mahalin sa kabila ng sakit at hirap na naranasan mo sa nakaraan," ayon sa video.

Samantala, sa isang video kasama ang isa pang internet star na si Erika Embang, sinabi ni China na naka-move na siya.

Hindi mang deretsong sinabi ni China kung tungkol ito sa kanila ng ex na si Tim Sawyer, tila iyon na ang nais iparating ni China.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang video ng kanilang intimate wedding

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang naging kontrobersiyal ang couple vlogger matapos masangkot sa isang eskandalo na nag-ugat sa isang Facebook Live.

Isang pasabog din ang inilabas ni China tungkol sa umano'y 'galaw' ni Tim sa kanyang likuran, na una nang naibalita ng KAMI.

Nadawit naman sa isyu ng dalawa ang pangalan ng vlogger at model na si Trina Valentin sa isyu na itinanggi naman nito at ni China mismo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel