Tria Valentin, itinanggi ang pagkadawit sa gulo nina Tim at China

Tria Valentin, itinanggi ang pagkadawit sa gulo nina Tim at China

- Nagpasalamat ang vlogger at model na si Tria Valentin kay China Roces matapos siyang ipagtanggol ng huli

- Ito'y matapos siyang madawit sa away at hiwalayan nito at ng kinakasamang si Tim Sawyer

- Una nang nilinaw ni Tria na nagbenta lamang siya ng sabon ng aso kay Tim na sinegundahan naman ni China sa pamamagitan ng isang Facebook post

- Nagpakita naman ng suporta ang mga fans at followers ni Tria matapos itong i-bash ng ilan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpasalamat ang vlogger at model na si Tria Valentin sa kapwa internet star na si China Roces matapos siyang ipagtanggol ng huli.

Ito'y matapos madawit ang pangalan niya sa away at hiwalayan nito at ng kinakasama na si Tim Sawyer.

Tria Valentin, sumagot na sa pagkadawit sa gulo nina Tim at China

Photo from China Roces Facebook page
Source: Facebook

Hiniling naman ni Tria na sana ay maging maayos na ang lahat para sa dalawa at sinabing ipinagdadasal niya ang pamilya ng mga ito.

"Kay ate China na nanggaling. Sana po maging okay na ang lahat. Praying for you and your family ate China, thank you," anito sa isang Facebook post.

Una nang sinabi ni Tria na nagbenta lamang siya ng sabon para sa mga aso ng couple. Sinegundahan din ito ni China at sinabing walang kinalaman ang dalaga sa gulo sa pagitan nila ni Tim.

Nakiusap din ito sa mga followers na huwag nang i-bash si Tria.

Nagpakita naman ng suporta ang mga fans at followers ni Tria matapos itong masangkot sa kontrobersyal na away ng dalawang sikat na vlogger.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Matatandaang nabanggit ni China sa kontrobersyal na FB Live nila ang pangalan ni Tria ngunit makalipas ang ilang araw ay nilinaw nito ang ukol dito.

Isang kaibigan naman ni China ang agad na nagsiwalat ng kanya raw nalalaman ukol sa mainit na isyu.

Samantalang, mabilis na kumalat din ang convo nina China at ng matalik na kaibigan ni Tim.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel