Matinding pasabog ni China Roces laban kay Tim Sawyer, kalat sa socmed

Matinding pasabog ni China Roces laban kay Tim Sawyer, kalat sa socmed

- Tila hindi na kinaya pang kontrolin ng vlogger na si China Roces ang kanyang emosyon matapos sumiklab sa socmed ang gusot nito at ng partner na si Tim Sawyer

- Ngayong araw, bumulaga sa social media ang live video nito sa Facebook kung saan mapapanood ang pagtatalo ng dalawa

- Samantala, kumalat naman sa socmed ang conversation ni China at ng kaibigan ni Tim Sawyer kung saan sinabi ng una ang ugat ng kanilang away

- Naging usap-usapan din ang sagutan ng magka-partner laban sa isa't isa matapos ang kontrobersyal na live video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila hindi na kinaya pang kontrolin ng vlogger na si China Roces ang kanyang emosyon matapos sumiklab sa socmed ang gusot nito at ng partner na si Tim Sawyer.

Matinding pasabog ni China Roces laban kay Tim Sawyer, kalat sa socmed

Photo from China Roces Facebook page
Source: Facebook

Ngayong araw, bumulaga sa mga netizens ang live video ng mga ito sa kanilang official Facebook pages kung saan mapapanood ang pagtatalo ng dalawa.

Ayon kay China, nag-ugat ang kanilang away nang madiskubre niyang nagtatago diumano ng pera sa kanya ang kinakasama na si Tim.

Bukod dito, sinabi rin ni China na may balak na umano si Tim na iwan sila ng kanilang anak at may planong bumili ng sarili nitong bahay at sasakyan.

Samantala, kumalat naman sa socmed ang conversation ni China at ng kaibigan ni Tim Sawyer na si Ralphe Laurent kung saan sinabi ng una ang ugat ng kanilang away.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Batay sa mga screen shots na ibinahagi ni Ralphe sa kanyang FB account, sinabi umano ni Tim na ayaw na nitong gumawa ng video kasama si China.

Nahuli rin daw ni China si Tim na itinatago sa kanya ang lahat ng kinita nito mula sa mga videos nilang dalawa na umabot sa halos P3 million.

Itinanggi naman ni Tim ang paratang na ito ni China sa pamamagitan ng isang statement sa FB.

Agad naman itong sinagot ni China sa pamamagitan din ng social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Ngayong umaga lang nang kumalat sa Facebook ang live video ng dalawa kung saan nagtatalo ang mga ito na agad din namang binura.

Matapos nito, isang emosyonal na post mula kay China ang kumalat sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel