Kwelang mga hugot lines na nakasulat sa pantakip sa test papers, kinaaliwan ng netizens
- Kinaaliwan ng mga netizens ang kwelang hugot lines na nakasulat sa pantakip sa testpapers
- Ito ay isang paraan para maiwasan ang pangongopya ng mga estudyante habang kumukuha ng eksaminasyon
- Ibinahagi ito ng isang guro sa kolehiyo na nagtuturo ng History at Life and Works of Rizal sa Laguna State Polytechnic University sa Siniloan, Laguna
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naaliw sa mga kwelang hugot lines na nakasulat sa pantakip sa testpapers. Ito ay isang paraan na naisip ng isang guro sa Laguna State Polytechnic University sa Siniloan, Laguna.
Sa isang panayam sa ABS-CBN News, ibinahagi ni Darren Tolentino kung bakit niya naispang magkaroon ng folders upang ipantakip sa mga test papers ng mga estudyante.
"Naisip ko po noong past na nagpapa-exam ako, kahit po anong higpit ng guro ay nagkakaroon pa rin po ng kopyahan kasi nga open 'yung armchair nila," aniya.
History at Life and Works of Rizal ang itinuturo ni Tolentino at siyam na sections ang hawak niyang klase.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Dahil marami ang naaliw sa mga hugot lines na nakasulat sa mga folders, nag-viral sa social media ang mga retratong ibinahagi sa Facebook account ni Tolentino.
"Naisip ko long folder. Sabi ko po ang plain naman ng long folder na 'yun kung wala man lang nakasulat sa labas para sakto po 'in' ngayon sa social media 'yung mga hugot-hugot po kaya pinagsulat ko sila ng hugot nila about exams, sa buhay nila, sa lovelife nila --ayun po ang resulta," paglalahad niya.
Sadya nga namang hindi madali ang maging isang guro lalo pa sa panahon ngayon na marami na ang kaagaw sa atensiyon ng mga mag-aaral. Kaya naman, kahanga-hanga ang mga gurong nag-iisip ng mga paraan upang lalong mas mapa-igi ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad Post | HumanMeter
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!
Source: KAMI.com.gh