Video ng paglalambing ng anak sa kanyang ina, nagpaluha sa maraming netizens
- Marami ang naluha sa video ng paglalambing ng isang anak sa kanyang nanay
- Lumapit ang anak upang sabihin sa ina na wala siyang pasalubong ngunit tanging sarili niya ang alay niya sa kanyang ina
- Ipinangako rin niyang aalagaan ang ina at kailanma'y hindi niya ito iiwan
- Maging ang mga netizens ay aminadong naluha sa nakaantig pusong tagpo sa viral video
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang video ng anak na si Romeo Curia para kasama ang kanyang ina na kanyang naibahagi noong Mayo 1.
Nalaman ng KAMI na ito ay video kung paano ipinaramdam ni Romeo ang pagpapahalaga niya sa kanyang nanay.
Nilapitan niya ang ina at sinabing wala raw siyang pasalubong sa kanyang nanay. Sumagot naman ito na ayos lang gayung nagluluto naman ito ng kanilang kakainin.
Subalit ipinaliwanag pa rin ni Romeo na kahit na wala siyang pasalubong sa ina, sinigurado naman niya ang pag-aalaga at pag-aaruga para rito habang buhay.
"Hanggang malakas ako, ay andito lang ako para sa'yo para alagaan ka"
Matapos na masambit ni Romeo ang paglalambing sa ina, hindi na nila napigilang maluha at niyakap na ang isa't isa.
"Malaki ka na talaga, hindi na kita kayang kalungin," isa sa mga naging tugon ng ina ni Romeo.
Dahil dito, maraming netizens ang aminadong naluha sa nakakaantig pusong eksena na ito ng mag-ina.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Hindi ko napigilan ang luha ko, I think that's the best gift naman talaga na makukuha ng ina mula sa kanyang anak"
"So true, dapat kahit malalaki na tayo, hindi pa rin tayo titigil sa paglalambing sa ating mga magulang"
"Perfect for Mother's day, naiyak ako... masuwerte ka po kuya may nanay ka pa na nag-aasikaso sa inyo"
"Wow! I'm crying... wala nga namang materyal na bagay ang makakahigit sa tunay na pagmamahal ng anak sa kanyang nanay. Saludo ako sa'yo kuya"
"Nung naiyak si mother, naiyak na rin ako. Iba talaga magmahal ang mga nanay at buti mabait ang kanyang anak na na-appreciate 'yun"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay nag-viral din ang vlog kung saan naitampok ang isang ina na gumagapang upang maasikaso pa rin ang pamilya lalo na at iniwan na siya ng kanyang mister. Mabuti na lamang at maunawain ang anak na sinisikap na tulungan ang kanyang ina sa mga gawaing bahay kahit sa mura niyang edad.
Gayundin ang kwento ng isang nurse bagaman at pareho silang tinamaan ng COVID-19 ng kanyang nanay, hindi niya ito pinabayaan at ginawan ng paraan upang mabigyan ito ng oxygen na makatutulong sa paghinga ng pinakamamahal niyang nanay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh