Lolo na nakatira sa tambakan, nabiyayaan ng bago at maayos na tirahan

Lolo na nakatira sa tambakan, nabiyayaan ng bago at maayos na tirahan

- Nabiyayaan ng bagong bahay at negosyo ang isang lolo na nakatira noon sa tambakan ng basura

- Sa tulong ng vlogger na si Virgelyncares, nakalikom sila ng pera para mapatayuan ng bahay ang lolo

- Ipinasyal pa niya kaya naman kitang-kita ang kasiyahan ng matanda

- Bukod sa bagong bahay, biniyayaan niya rin ang munting sari-sari store ang lolo upang mayroon itong pagkakitaan sa araw-araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang kababayan natin ang natulungan ng vlogger na si Virgelyncares.

Nalaman ng KAMI na bahay at maliit na negosyo ang naging handog ni Virgelyn sa lolo na nakatira lamang sa tambakan ng basura.

Sa kanyang vlog, sinundo ni Virgelyn si "Lolo Inggo" at ipinasyal muna ito bago tuluyang ihatid sa bago nitong tahanan.

Lolo na nakatira sa tambakan, nabiyayaan ng bago at maayos na tirahan
Sina Lolo Inggo at Virgelyn (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: UGC

Kitang-kita ang saya ng matanda habang sila ay namasyal, naglaro at kumain ng masarap na halo-halo sa Naga City.

Read also

Ivana Alawi, ipinasilip ang "sari-sari store" sa loob ng kanyang bonggang customized van

Sa kanilang pag-uwi, bitbit na nina Virgelyn ang iba pang pinamili nilang gamit para sa bagong bahay ng lolo.

Nag-ribbon cutting pa sila sa munting tahanan ni Lolo Inggo na malayong-malayo ang itsura sa kanyang tirahan sa tambakan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bago na rin ang mga kagamitan nito sa bahay maging ang kanyang higaan na ngayon ay may maayos nang kutson at unan.

Bukod pa rito, nilagyan din nina Virgelyn ng maliit na tindahan si Lolo Inggo upang mayroon itong pagkakitaan.

Labis na nagpapasalamat si Lolo Inggo sa biyayang natanggap niya mula kay Virgelyn at sa mga OFW at iba pang sponsors ng YouTube channel nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan. Sinusuportahan din siya ng mga OFW na siyang nagpapadala rin ng kanilang tulong.

Read also

Tinderong nagtutulak ng mga panindang gamit sa bahay, pinagmalasakitan ng netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga natulungan ni Virgelyn kamakailan ay ang 17-anyos na dalagita na napatayuan na ng bahay ang kanyang amang na-stroke dahil lamang sa kanyang sipag sa pagiging raketera.

Tulad ng Virgelyncares, isa rin si Denso Tambyahero sa mga kilalang vlogger sa bansa na pagtulong at pagmamalasakit sa mga Pilipino ang laman ng kanyang mga video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica