Super Tekla, tuluyan nang nilisan ang condominium na tinirahan niya sa loob ng 3 taon

Super Tekla, tuluyan nang nilisan ang condominium na tinirahan niya sa loob ng 3 taon

- Tuluyan nang lumipat ng tirahan si Super Tekla at nilisan na ang condominium na nagsilbing tirahan niya sa loob ng tatlong taon

- Lilipat na siya sa Cavite na kalapit lamang ng bahay din ng kanyang ka-tandem na si Donita Nose

- Sa paglisan, tiningnang muli ni Donita ang bawat sulok ng condo ni Tekla na kanyang nilinis noong panahong dumaan ito sa matinding kontrobersiya

- Isa sa mga dahilan kung bakit tuluyan nang lumipat si Tekla ay para maimbitahan din ang kanyang kaanak sa bago niyang tirahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makalipas ang tatlong taon, tuluyan nang nilisan ng komedyanteng si Super Tekla ang tinirahang condominium.

Sa pinakabagong vlog ng Donekla in Tandem, ipinakita ni Donita Nose ang pagsundo niya kay Super Tekla sa paglilipat nito sa bago nilang townhouse sa Cavite.

Binalikan din ni Donita Nose ang bawat sulok ng bahay ni Tekla na kanyang nilinis noong panahong dumaan ito sa matinding pagsubok.

Asawa ni Sonia Gregorio, ipinakita ang nabagong bahay mula sa tulong ni Tulfo
Super Tekla, tuluyan nang nilisan ang condominium na tinirahan niya sa loob ng 3 taon

Super Tekla at Donita Nose (Photo credit: @doneklaintandem)
Source: Instagram

"Ano ang pinaka-memorable na nangyari sa kwarto na 'yan?" tanong ni Donita Nose sa kanyang ka-tandem.

"Yung pina-Tulfo ako!" pabiro namang sagot ni Super Tekla. Ipinakita rin niya na naipaayos na ang mga bahagi ng condo na noo'y nasira at pinoproblema pa niya noon ang pagbabayad.

Subalit wala nang nakapigil pa kay Super Tekla at ipinakita rin niya ang clearance ng condo bilang patunay na maayos niya itong nilisan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sakay ng inarkilang jeep, hinakot na ni Tekla ang kanyang mga gamit patungo sa kanyang bagong tirahan.

Katabi lamang ito ng townhouse din ni Donita Nose. Sa ganitong paraan, mas madali na raw para sa kanila ang paggawa ng mga nakaka-good vibes nilang vlog.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na noo'y "na-coma" sa tindi ng kontrobersiya

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sina Super Tekla at si Donita Nose ang bumubuo sa "Donekla in Tandem." Bukod sa pagiging mga kilalang komedyante ng GMA 7, mapapanood din sila sa kanilang YouTube channel.

Mas lalong gumawa ng ingay si Super Tekla noong taong 2020 nang isumbong siya ng kanyang dating partner kay sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa mga akusasyong kalaunan ay napabulaanan.

Sa tulong ng kanyang ka-tandem na si Donita Nose at iba pa nilang mga kaibigan, agad na nakabangon si Tekla sa kontrobersiya at ipinagpatuloy pa rin ang kanyang creer bilang isang komedyante.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel