Raffy Tulfo to Michelle Bana-ag: "Pati anak mo mawawala sa 'yo, ipapa-transfer ko ‘yan kay Tekla!"

Raffy Tulfo to Michelle Bana-ag: "Pati anak mo mawawala sa 'yo, ipapa-transfer ko ‘yan kay Tekla!"

- Umatras na sa pagtulong si Raffy Tulfo sa live-in partner ni Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag

- Ito ay matapos na biglaang umatras si Bana-ag sa hamon nitong ipagpatuloy pa rin ang kanyang drug test at lie detector test

- Dahil dito, mas lalong nag duda si Tulfo na tila may itinatago pa rin si Bana-ag at talagang hindi na ito nararapat na tulungan

- Maging ang anak nila ni Tekla ay maari rin mai-alis sa poder ni Bana-ag sakaling mapatunayan na patuloy pa rin itong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo to Michelle Bana-ag: "Pati anak mo mawawala sa 'yo, ipapa-transfer ko ‘yan kay Tekla!"

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook page
Source: Facebook

Mainit ang huling pag-uusap nina Raffy Tulfo at ng dating live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag.

Nalaman ng KAMI na umatras pala si Bana-ag sa hamon nitong ipagpatuloy ang drug test at lie detector test upang mapatunayan umano sa kanyang mga bashers na nagsasabi siya ng katotohanan.

Raffy Tulfo, umatras na sa pagtulong sa live-in partner ni Tekla; mga tests, di na rin itutuloy

Sa episode ng Wanted sa Radyo ngayong Oktubre 27, talagang napaiyak nang husto si Michelle nang magmatigas na si Tulfo na hindi na umano siya nito tutulungan.

Maging ang hiniling nitong pambayad sa tatlong buwang renta ng tinutuluyan at mga groceries para sa kanilang pamilya ay agad ding binawi ni Tulfo.

Ito ay dahil mas lumakas ang kumpiyansa ng host na may mga itinatago pa rin si Michelle lalo na ang tungkol sa paggamit pa rin niya di umano ng ipinagbabawal na gamot.

"Wala na. Wala na. Kita mo yan? Hamon ka nang hamon. Pinatulan ko yung hamon mo, hamon pa more!" ang natatawa na lang nasabi ni Tulfo.

Ang masaklap pa rito, malaki rin ang posibilidad na maalis sa poder ni Michelle ang anak nila ni Tekla na si Baby Angelo lalo na kung mapatunayan na siya ay patuloy pa ring gumagamit ng iligal na droga.

Donita Nose, nakiusap na tigilan na ang pag-bash kay Michelle Bana-ag

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang mga pamangkin din daw nito ay ipa-aassess sa DSWD upang malaman kung nararapat bang sina Michelle pa rin ang nangangalaga sa mga ito.

"Sapagkat nakikita ko mukhang hindi ka karapat-dapat mag-alaga ng bata sapagkat gumagamit ka pa rin!"

“Why? Dahil takot kang magpa-drug test! Meaning, you’re still using," ang mabibigat na salitang binitawan ni Tulfo kay Bana-ag.

"Ngayon, pati anak mo mawawala sa 'yo dahil ipata-transfer ko ‘yan kay Tekla!" ang labis na nagpahagulhol kay Michelle na di na pinagsalita pa ni Tulfo.

Maging ang kapatid nitong sinusubukang sumingit para magpaliwanag ay di na rin pinahintulutan pa ni Tulfo na makapagpaliwanag.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tekla at live-in partner, nagkausap na; Michelle Bana-ag, itutuloy pa rin ang mga tests

Bukod sa pagiging mahusay sa news anchor kilala talaga si Raffy Tulfo sa agarang pag-aksyon sa mga sumbong sa kanyang programa.

Tulad na lamang ng reklamong idinulog sa kanila ni Michelle Lhor Bana-ag na agad na natuldukan ilang araw matapos itong magsumbong kay Tulfo.

Sa kasamaang palad, lumabas ding mismong si Bana-ag ang may problema kaya naman hindi nagdalawang isip si Tulfo na bawiin ang dapat na tulong na ibibigay niya rito dahil di raw ito karapat-dapat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel