Asawa ni Sonia Gregorio, ipinakita ang nabagong bahay mula sa tulong ni Tulfo

Asawa ni Sonia Gregorio, ipinakita ang nabagong bahay mula sa tulong ni Tulfo

- Muling nakapanayam ni Raffy Tulfo si Florentino Gregorio ang asawa ng napasalang na sina Sonia at ama naman ni Frank Gregorio

- Maluha-luhang nagpasalamat si Florentino kay Tulfo sa tulong at suportang natatanggap ng kanilang pamilya mula sa "hari ng public service"

- Bukod sa tulong pinansyal at pagbibigay ng private lawyer, naipaayos din ng pamilya Gregorio ang kanilang tahanan dahil kay Tulfo

- Nagbigay din sila ng update kaugnay sa kaso at ang susunod na hearing ay gaganapin sa Marso 11

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumusta ni Raffy Tulfo si Florentino Gregorio, ang asawa ni Sonia Gregorio at ama naman ni Frank Gregorio kaugnay sa itinatakbo ng kanilang kaso laban kay Jonel Nuezca.

Nalaman ng KAMI na nai-presinta na sa korte ang ikalawang testigo na si Alyssa Calosing, ang apo ni Sonia at pamangkin naman ni Frank na mismong kumuha ng video.

Read also

Raffy Tulfo, nagulat sa update ni Atty. Villamor na lumusog pa lalo si Jonel Nuezca

Naisumite na rin nila ang video at mismong cellphone na ginamit ni Alyssa sa pagkuha ng insidente ng umano'y pamamaslang ni Nuezca sa kanyang lola at tiyo.

Asawa ni Sonia Gregorio, ipinakita ang pagbabago sa bahay nila mula sa tulong ni Raffy Tulfo
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sinamantala rin ni Florentino ang pagkakataon para magpasalamat kay Tulfo sa mga naitulong nito sa kanilang pamilya.

"Nagpapasalamat po ako talagang malaki na ang iginanda ng bahay namin lalo na kung nabubuhay lang yung asawa ko... talagang anlaki ng tulong niyo sa amin," maluha-luhang sabi ni Florentino habang nagpapasalamat kay Tulfo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nais pa raw ng kanilang pamilya na personal na magpasalamat sa "hari ng public sevice" subalit mahirap pa ang sitwasyon.

Ipinakita rin ni Florentino ang itsura ng kanilang tahanan na malaki na ang pinagbago mula nang mangyari ang insidente.

Samantala, inaasahan nilang makadadalo na nang personal sa susunod na hearing sa Marso 11 si Nuezca na naka-video conferencing lang sa dalawang nakaraang sesyon.

Read also

Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na noo'y "na-coma" sa tindi ng kontrobersiya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Isa sa mga talagang tinutukang kaso ni Tulfo ay ang pamamaslang di umano ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio noong Disyembre 20 sa labas mismo ng kanilang tahanan dahil lamang sa pagtatalo sa paggamit ng "boga."

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa unang update na ibinigay ni Atty. Freddie Villamor, ang private lawyer ng mga Gregorio, sinabi nitong aabot sa ₱70 million ang kabuuang danyos na mapapagbayaran ni Nuezca dahil sa pagkitil niya ng buhay ng mag-ina.

Read also

CP na ginamit sa pag-video sa Gregorio double murder case, naisumite na bilang ebidensya

Nilinaw naman mismo ng asawa ni Sonia at ama ni Frank na si Florentino Gregorio na kahit pa mabayaran umano ni Nuezca ang danyos, sisiguraduhin daw niyang pagdudusahan pa rin nito ang kanyang nagawang pagkakasala upang makamit ang hustisya sa pagpatay nito sa kanyang mga mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel