Raffy Tulfo, nagulat sa update ni Atty. Villamor na lumusog pa lalo si Jonel Nuezca

Raffy Tulfo, nagulat sa update ni Atty. Villamor na lumusog pa lalo si Jonel Nuezca

- Nagbigay ng update si Atty. Freddie Villamor, isa sa mga abogado ng pamilya Gregorio kaugnay sa kaso nila laban kay Jonel Nuezca

- Sinabi nitong nai-presinta na nila sa korte ang ikalawang testigo at mabigat na ebidensya at ito ay ang video ng aktwal na pamamaril ni Nuezca pati ang kumuha nito

- Nakapanayam din ni Tulfo ang mister ni Sonia at ina ni Frank na si Florentino Gregorio na labis na nagpapasalamat kay Tulfo sa mga naitulong nito sa kanila

- Umaasa silang personal nang makakarating si Nuezca sa susunod na hearing na gaganapin sa Marso 11

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nito lamang Pebrero 18, ginanap ang ikalawang hearing sa kaso ng mag-inang Sonia at Frank Gregorio na pinaslang umano ng dating pulis na si Jonel Nuezca.

Nalaman ng KAMI na mismong si Atty. Freddie Villamor, ang abogado ng pamilya Gregorio ang nagbigay ng update kay Raffy Tulfo tungkol sa itinatakbo ng kaso.

Asawa ni Sonia Gregorio, ipinakita ang nabagong bahay mula sa tulong ni Tulfo

Sinabi nitong nai-presinta na nila sa korte ang ikalawang testigo na si Alyssa Calosing, ang apo ni Sonia at pamangkin naman ni Frank Gregorio na mismong kumuha ng video.

Raffy Tulfo, nagulat sa update ni Atty. Villamor na lumusog pa lalo si Jonel Nuezca

Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Gayundin ang mismong video at cellphone na ginamit ay naisumite na sa prosekusyon at magsisilbing mabigat na ebidensya sa kaso laban kay Nuezca.

Naka-video conferencing pa rin umano ang naka-detain na si Nuezca at hindi pa rin personal na nakarating sa hearing.

Laking gulat pa ni Raffy Tulfo nang mabanggit ni Atty. Villamor na tila lalo pang lumusog si Nuezca nang makita niya ito sa video.

"Kasi ho nasa video, hindi ko masyadong makita talaga, parang medyo tumaba," pahayag ni Villamor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Gumanda pa ata sitwasyon niya, tumaba? Bakit tumaba? Dapat nga pumayat siya sa konsumisyon o takot!" sagot ni Tulfo.

Tila para umanong nagbakasyon lamang si Nuezca sa kulungan dahil dapat na ang mga ganoong tao na may mabigat na kaso ay kinakikitaan ng takot at kapansin-pansing pagbagsak ng katawan.

CP na ginamit sa pag-video sa Gregorio double murder case, naisumite na bilang ebidensya

Samantala, nakapanayam din ni Tulfo ang mister ni Sonia at ama naman ni Frank na si Florentino Gregorio na labis na nagpapasalamat sa lahat ng suportang naibigay ng Raffy Tulfo in Action.

Inaasahang makakasipot na si Nuezca nang personal sa susunod na hearing na itinakda sa Marso 11.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa unang update ni Atty. Villamor kaugnay sa kaso ng mga Gregorio laban sa dating pulis na si Jonel Nuezca, sinabi nitong aabot sa ₱70 million ang kabuuang danyos na mapapagbayaran ni Nuezca dahil sa pagkitil niya ng buhay ng mag-ina.

Kumuha ng video sa pamamaslang sa mag-inang Gregorio, humarap na sa korte

Nilinaw naman mismo ng asawa ni Sonia at ama ni Frank na si Florentino Gregorio na kahit pa mabayaran umano ni Nuezca ang danyos, sisiguraduhin daw niyang pagdudusahan pa rin nito ang kanyang nagawang pagkakasala upang makamit ang hustisya sa pagpatay nito sa kanyang mga mahal sa buhay.

Disyembre 20 nang gumulantang sa social media ang aktwal na video ng pamamaslang sa mag-inang sina Sonia at Frank Greogorio na nakaalitan umano ang suspek na dating pulis na si Jonel Nuezca.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel