CP na ginamit sa pag-video sa Gregorio double murder case, naisumite na bilang ebidensya
- Naisumite na bilang ebidensya ang mismong cellphone na ginamit sa pagkuha ng video ng pamamaslang sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio
- Tumestigo na rin ang may-ari ng cellphone at kumuha ng video na magsisilbing mabigat na ebidensya sa kaso laban kay Jonel Nuezca
- Ayon sa legal counsel ng pamilya Gregorio, kinakitaan ng katapangan ang apo at pamangkin nina Sonia at Frank lalo na at nagsasabi umano ito ng totoo
- Hindi pa rin nakarating sa korte si Nuezca at nakadalo lamang ito ng hearing sa pamamagitan ng Zoom
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hawak na ng korte ang cellphone na ginamit ni Alyssa Calosing, ang kumuha ng video ng pamamaslang ni Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio.
Nalaman ng KAMI na tumestigo na rin si Calosing na kinakitaan umano ng katapangan habang nagbibigay ng kanyang salaysay sa witness stand.
“Very straightforward po ang pagsagot ng bata dahil palibhasa, totoo naman ‘yong sasabihin niya." ayon sa panayam ng GMA Super Radyo DZBB kay Atty. Fredie Villamor, isa sa mga legal counsel ng pamilya Gregorio.
Si Calosing ang ikalawang testigo na nai-presintang kampo ng mga Gregorio sa korte.
Hindi nga lang napigilang maging emosyonal nito nang muling makita ang video na kinailangang ipalabas sa hearing.
"‘Yun nga lang, it came to a point na noong pinalabas na ‘yung video, napaiyak ‘yung bata nang makita niya ulit ‘yung point doon sa video na binaril ni Nuezca ‘yung kaniyang lola at uncle,” dagdag pa ni Villamor.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa panayam ng Inquirer sa isa pang abogado ng mga Gregorio na si Roland Inting, sinabi nitong diretsang nasabi ni Calosing na nakita niya ang pamamaslang ni Nuezca sa kanyang lola at tiyo dahil naroon siya at nasaksihan ang buong pangyayari.
Samantala, hindi pa rin personal na nakarating sa korte ang akusado na si Nuezca na nakadalo lamang gamit ang Zoom. Kasalukuyan pa rin ito umanong nasa detention facility of the Bureau of Jail Management and Penology in Tarlac City.
Itinakda sa Marso 11 ang susunod na hearing sa kaso ng mag-inang Gregorio laban sa na-dismiss na pulis na si Jonel Nuezca.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa programang Raffy Tulfo in Action, unang nagbigay ng update si Atty. Villamor kaugnay sa kaso ng mga Gregorio laban sa dating pulis na si Jonel Nuezca.
Sinabi nitong aabot sa ₱70 million ang kabuuang danyos na mapapagbayaran ni Nuezca dahil sa pagkitil niya ng buhay ng mag-ina.
Nilinaw naman mismo ng asawa ni Sonia at ama ni Frank na si Florentino Gregorio na kahit pa mabayaran umano ni Nuezca ang danyos, sisiguraduhin daw niyang pagdudusahan pa rin nito ang kanyang nagawang pagkakasala upang makamit ang hustisya sa pagpatay nito sa kanyang mga mahal sa buhay.
Disyembre 20 nang gumulantang sa social media ang aktwal na video ng pamamaslang sa mag-inang sina Sonia at Frank Greogorio na nakaalitan umano ang suspek na dating pulis na si Jonel Nuezca.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh