Rob Moya, pinasalamatan ang babaeng dumamay umano sa kanya sa kanyang pinagdaanan

Rob Moya, pinasalamatan ang babaeng dumamay umano sa kanya sa kanyang pinagdaanan

- Sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan, binahagi ni Rob Moya ang kanyang pasasalamat para sa isang babae

- Ito umano ang babaeng espesyal sa kanya sa kasalukuyan dahil naroroon umano ito para sa aktor noong panahong nahihirapan siya

- Inamin din ni Rob na mahal nya ito at thankful daw siya kay Lai Austria

- Matatandaang muling nadawit sa kontrobersiya si Rob matapos siyang ireklamo ni Toni Fowler sa proramang Raffy Tulfo in Action kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tahasan na ang pagpapakita ni Rob Moya ng kanyang pagtatangi sa babaeng tinuturing niya umanong espesyal. Binahagi niya ito sa kanyang vlog.

Binigyan niya ng bulaklak ang babaeng ilang beses na ring naiuugnay sa kanya matapos silang maghiwalay ni Toni Fowler.

Rob Moya, pinasalamatan ang babaeng dumamay umano sa kanya sa kanyang pinagdaanan
Rob Moya
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Patreng Non ng Maginhawa pantry, nakatatanggap na ng banta sa kanyang seguridad

Sa kanyang mensahe para kay Lai na makikita sa huling bahagi ng kanyang video na pinamagatang "Nagkita Muli" nais umano ipaalam ni Rob sa lahat kung gaano niya pinapahalagahan si Lai.

Nagpapasalamat daw siya dahil noong mga panahong "hindi niya na kayang mabuhay," naroroon si Lai para sa kanya.

Sa unang pagkakataon ay inamin nga ni Rob na mahal niya si Lai.

Ito ay sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni Rob matapos siyang ireklamo ni Ton Fowler kamakailan kaugnay sa umano'y kotseng nais bawiin ni Toni dahil mula umano ito sa pera niya.

Hindi naman sinagot ni Rob ang tawag mula sa staff ng programa ni Raffy Tulfo. Gayunpaman, sinabi ni Toni na determinado siyang turuan ng leksiyon si Rob.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rob Moya ay isang aktor na naging karelasyon ng vlogger na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni.

Read also

Jelai Andres, kinaaliwan sa kanyang pasaring tungkol sa couple earrings

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel