Jelai Andres, kinaaliwan sa kanyang pasaring tungkol sa couple earrings

Jelai Andres, kinaaliwan sa kanyang pasaring tungkol sa couple earrings

- Marami ang naaliw sa panibagong video na binahagi ni Jelai Andres sa kanyang YouTube channel

- Tila may pinatatamaan siya tungkol sa couple earrings kaya umano meron din siya dahil hindi siya isinali ng mga taong hindi niya na pinangalanan

- Sa kabila ng kanyang pinagdaanan nitong mga nakaraang araw kasunod ng isyu nila ng asawang si Jon Gutierrez, hindi makikita sa kanyang binahaging video na nalulungkot siya

- Kasama niya ang dalawang kaibigan na nakasama niya rin noong nag-vlog siya na nagsuot ng mga swim wear

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Idinaan ni Jelai Andres sa biro at pagtawa ang kanyang pasaring tungkol sa couple earrings. Aniya, bumili siya ng kanyang sariling hikaw dahil hindi siya sinali ng mga taong hindi niya na pinangalanan.

Jelai Andres, kinaaliwan sa kanyang pasaring tungkol sa couple earring
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Heart Evangelista, dinaan sa TikTok ang mensahe sa kanyang bashers

Bumili na siya umano para tatlo na sila. Matatandaang kabilang ang couple earrings na may cross sa mga inilabas na umano'y patunay sa pagkakaroon ng ibang babae ng asawa ni Jelai na si Jon Gutierrez.

Sa kabila ng mga lumabas na mga "ibedensiya" umano mula sa mga netizens, hindi na nagbanggit ng pangalan si Jelai. Gayunpaman, hindi nito mapigilang maglabas ng saloobin sa pamamagitan ng kanyang social media accounts lalo na noong unang lumabas ang tungkol sa isyu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Sunshine Dizon, nagpapasalamat sa ex niya dahil sa pagiging maayos na co-parent

Kamakailan ay hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob sa asawa ng aktres na si Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel