Patreng Non ng Maginhawa pantry, nakatatanggap na ng banta sa kanyang seguridad
- Ibinahagi ni Ana Patricia Non na nakatatanggap umano siya ng mga pagbabanta sa kanyang seguridad
- Hindi na rin umano siya tatanggap ng anumang interview at tututukan na lamang ang pamamahagi sa pantry
- Dagdag pa rito ang ilan pang mga suliranin tulad ng paggamit umano ng kanyang numero sa isang delivery app kahit hindi naman siya ang gumawa ng transaksyon
- Nilinaw niyang magpapahinga muna siya pansumandali at manunumbalik sa unang buwang anibersaryo ng Maginhawa Community Pantry sa Mayo 14
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naglahad ng saloobin si Ana Patricia Non, ang organizer ng Maginhawa Community Pantry tungkol sa mga kinakaharap niya sa ngayon.
Nalaman ng KAMI na patuloy pa rin ang red-tagging issue umano sa kanya at ngayon, mas lalo pa umanong lumala dahil nakakatanggap pa siya ng iba pang pagbabanta.
"Kasabay nito iniisip ko y'ung death threat at rapé threats sa akin kaninang umaga... 'Di ako makalabas kahapon kasi wala naman akong sasakyan at lalo na wala naman akong security."
Dahil sa mga ito, maraming mga gawain si Non na hindi muna mahaharap upang unahin din ang kanyang seguridad.
Subalit sa kabila ng mga ito, siniguro naman niya ang patuloy na pagtutok sa community pantry na siyang dahilan ng pagkilala sa kanya sa ngayon.
"'Nung sinimulan ko ang Community Pantry hindi ko in-expect na maging ganito siya kalaki. At masaya ako kasi dumami talaga ang pantries, na build ng communities natin at may solidarity network na ang cities. Pero syempre, sa paglawak dumami din 'yung responsibilities at dahil 'di ko na kaya mag-isa, tumulong na ang pamilya at mga kaibigan ko."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Kaakibat nito, ang pagkaramdam din ng pagod ng bawat isa sa kanila na bahagi ng pantry.
Dahil dito, hiniling niya ang oras na sila ay makapagpahinga pansumandali.
"'Wag po kayo mag-alala kailangan ko lang po ng pahinga, kumpletong tulog, kain, privacy at security."
Gayunpaman, siniguro niyang muli siyang makikita sa anibersaryo ng Maginhawa community pantry sa Mayo 14.
"Kitakits po tayo sa 1st Monthsary Check-In ng Community Pantry PH sa Friday, May 14! Yakap sa lahat!"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Ana Patricia Non ang nasa likod ng matagumpay na community pantry na kanyang sinimulan sa maliit na pwesto sa Maginhawa St. Sa Quezon City.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" kung saan marami na rin sa iba't ibang bahagi ng bansa ang gumagawa ng pagtutulungang ito.
Katunayan, maging ang "Timor-Leste" ay na-inspire sa gawaing ito na pinasimulan ni Non kaya naman mayroon na rin silang itinatayong mga community pantry sa kanilang bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh