Batang naglalako ng sampaguita kasama ang pamangkin, umantig sa puso ng netizens

Batang naglalako ng sampaguita kasama ang pamangkin, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang post tungkol sa isang batang lalaki na naglalako ng sampaguita habang bitbit ang pamangkin

- Pitong buwan lamang ang kanyang pamangkin na siyang dahilan ng kanyang paglalako

- Kailangan daw kasi nila ng pambili ng gatas nito at ng kanilang makakain

- Nakagat din umano siya ng aso kaya naman nag-iipon din siya para sa gamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang nanahabag sa kwento ng batang si Rain Sarita na naibahagi ng nakapansin sa kanya na si Jesmar Deocampo Oftana.

Ayon kay Jesmar, napansin niya si Rain na bitbit pitong buwang gulang na sanggol.

Nakasakay niya raw ito sa jeep at naabutan na rin ng halagang kanyang nakayanan.

Batang naglalako ng sampaguita kasama ang pamangkin, umantig sa puso ng netizens
Photo from Jesmar Deocampo Oftana
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Tinanong niya kung ano ang ginagawa nito lalo na at ipinagbabawal pa rin talaga ang paglabas ng mga batang tulad nila.

Read also

Ivana Alawi, ipinasilip ang "sari-sari store" sa loob ng kanyang bonggang customized van

Sinabi nitong naglalako siya ng sampaguita para mayroon silang pambili ng pagkain pati na rin ng gatas ng kasama niyang pamangkin.

Nabanggit din ni Rain na nakagat siya ng aso kaya naman naghahanapbuhay siya upang maipagamot ang sugat na kanyang tinamo dahil dito.

Ayon pa sa Jesmar, nakunan na niya ng larawan sina Rain sa may Fishermall sa Quezon City at ibinigay na rin ng bata ang ilang detalye sa kanya para sa mga nais na magpaabot ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nakalulungkot isipin na may ilang mga bata na nagsisikap na maghanapbuhay para lamang makatulong sa kanilang pamilya lalong-lalo na ngayong pandemya.

Ang ilan, sinisikap na magtrabaho habang nag-aaral upang patuloy na makasabay sa mga aralin ngayong naka-online class o modular lamang sila.

Read also

Lola na nakuhanan ng litrato sa ginawang pader ng BuCor, emosyonal na nagkwento

Hiling na lamang ng marami na hindi sana mapahamak ang mga batang ito at hindi rin tamaan ng kinatatakutan pa rin na COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica