Magpinsan na naglalako ng lumpia para mapaayos ang bahay, natulungan ng vlogger

Magpinsan na naglalako ng lumpia para mapaayos ang bahay, natulungan ng vlogger

- Nabigyan ng tulong ang masipag na mga batang naglalako ng lumpia

- Ayon sa vlogger na si Kalingap Rab, madalas niyang makita ang magpinsan ngunit noon lamang siya nagkaroon ng pagkakataong kausapin ang mga ito

- Nabigyan niya ang mga ito ng bigas at pinakyaw niya ang mga paninda ng bata

- Bukod sa tulong pinansyal, inihatid na rin nila ito upang maayos na makauwi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natulungan ng vlogger na si Kalingap Rab ang magpinsang sina John Michael at Joanna naglalako ng lumpia sa may gas station.

Nalaman ng KAMI na madalas na palang makita ng vlogger ang ang dalawang bata na nagtitinda subalit noon lamang sila nagkaroon ng oras para kausapin ang mga ito.

Nang usisan ni Rab ang dalawa, tanging ang lolo nila ang nag-iintindi sa kanila habang ang ina naman ni Joanna ay napilay.

Read also

2020 viral video ng frontliner na binalot ang anak para lang mayakap, inalala

Magpinsan na naglalako ng lumpia para mapaayos ang bahay, natulungan ng vlogger
Sina John Michael at Joanna (Photo from Kalingap Rab)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil dito, sila ang naghahanapbuhay para mayroon silang panggastos sa araw-araw.

Nasabi rin ng dalawang bata na ang kinikita nilang nasa Php400 ay inilalaan nila sa pagpapaayos ng kanilang bahay. Nasira raw kasi ito dahil sa bagyo.

Nabigyan ni Rab ang mga bata ng bigas at tulong pinansyal. Pinakyaw na rin niya ang mga ito upang maaga nang makauwi.

Hinatid na rin niya ang dalawa at doon nakita ang kalagayan pamilya nina John Michael at Joanna at ng pinaayos nilang tahanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Kalingap Rab ay isa sa mga YouTuber content creator sa bansa. Mayroon na siyang mahigit na 650,000 subscribers at pagtulong ang pangunahing laman ng kanyang mga vlog.

Read also

Lolo na nakatira sa tambakan, nabiyayaan ng bago at maayos na tirahan

Tulad ni Kalingap Rab isa rin si Virgelyncares at si Denso Tambyahero sa mga kilalang vlogger sa bansa na pagtulong at pagmamalasakit sa mga Pilipino ang laman ng kanilang mga video.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel