2020 viral video ng frontliner na binalot ang anak para lang mayakap, inalala
- Isang taon na ang nakalipas nang mag-viral ang frontliner na binalot sa plastik ang anak para lang mahagkan at mayakap ito
- Marami ang naantig ang puso sa video nila noong 2020 lalo na at matindi ang pangamba ng mga tao sa COVID-19
- Ngayong taon, hindi na niya ito kailangang gawin dahil nakakapiling na niya ang anak
- Kasama ang kanilang pamilya, lalo na ang kanyang anak, magkakaroon daw sila ng simpleng Mother's Day celebration
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Masayang makapagdiriwang ng Mother's Day ang nag-viral na frontliner noon na si Marijoy Malaca.
Nalaman ng KAMI na siya ang nurse sa Nueva Ecija na kinailangan pang ibalot ang anak sa plastik para lamang mayakap at mahagkan ito.
Nag-viral ang video nilang mag-ina noong Abril 2020. Sa takot na baka COVID-19 ang madalang pasalubong sa anak, pinabalutan niya muna ito para lamang malapitan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kwento na ngayon ni Marijoy sa panayam sa kanya ng GMA News, mas madalas na niyang makapiling ang kanyang anak kahit nagsisilbi pa rin siya bilang isang frontliner.
Bagaman at punuan pa rin umano ang mga ospital maging sa kanilang lugar, malimit naman na ang pagsasagawa ng COVID-19 confirmatory test sa kanila. Kaya naman mas panatag ang loob niya tuwing lumalapit sa anak na may kasama pa rin na pag-iingat.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan ay nag-viral din ang vlog kung saan naitampok ang isang ina na gumagapang upang maasikaso pa rin ang pamilya lalo na at iniwan na siya ng kanyang mister. Mabuti na lamang at maunawain ang anak na sinisikap na tulungan ang kanyang ina sa mga gawaing bahay kahit sa mura niyang edad.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayundin ang kwento ng isang nurse bagaman at pareho silang tinamaan ng COVID-19 ng kanyang nanay, hindi niya ito pinabayaan at ginawan ng paraan upang mabigyan ito ng oxygen na makatutulong sa paghinga ng pinakamamahal niyang nanay.
Tunay na hindi matatawaran ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina. Kaya naman masasabing mapalad siya kung nasusuklian naman ito ng anak na marunong magpahalaga sa kanyang mga magulang.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh