Asawa ng nag-viral na lola na nakikiusap na makadaan sa pader ng BuCor, pumanaw na

Asawa ng nag-viral na lola na nakikiusap na makadaan sa pader ng BuCor, pumanaw na

- Pumanaw na ang asawa ng lola sa viral photo na noo'y nakikiusap pang makadaan sa pader na ipinatayo ng BuCor

- Nakikiusap pa siya noon na makadaan para makabili siya ng gamot niya lalo na ng kanyang mister na may sakit

- Makalipas lamang ang halos dalawang buwan, pumanaw na rin ang kanyang mister

- Ngayong wala na ang mister, problema naman daw ng kanilang pamilya ang mga gastusin sa libing at ang mga pangangailangan nila sa araw-araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumakabilang buhay na mister ng 65-anyos na si Juville Bartolo na nag-viral kamakailan.

Matatandaang si Bartolo ang nasa trending na larawan sa may pader na ipinatayo ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nakikiusap siya noon na makadaan sa isinarang access road mula sa NHA Southville 3 housing project sa Poblacion sa Muntinlupa patungong sa mismong bayan.

Read also

78-anyos na lolo, tuloy ang pangangalakal para sa gatas ng kanyang apo

Asawa ng nag-viral na lola na nakikiusap na makadaan sa pader ng BuCor, pumanaw na
Photo: Juville Bartolo
Source: Getty Images

Sa panayam sa kanya ng Muntinlupa News Express, nakikiusap lamang daw siya noon na makadaan dahil bibili lamang sana siya ng gamot para sa kanya at sa kanyang mister na noo'y mayroon nang karamdaman. Subalit hindi siya pinahintulutan ng mga guwardiyang mahigpit na nagbabantay.

Makalipas lamang ang mahigit isang buwan, pumanaw na rin ang mister.

Sa ngayon, problema naman ng kanilang pamilya ang pagpapalibing at ang araw-araw nilang gastusin para sa kanilang mga pangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa muling pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, minabuti ng Bureau of Corrections sa Barangay Poblacion, Muntinlupa na magpatayo ng pader roon para sa kapakanan ng mga PDL nila.

Pansamantala itong isinara bilang bahagi ng pag-iingat sa isyung seguridad kontra COVID-19.

Read also

Hospicio De San Jose, naka-lockdown dahil sa 23 na mga nagpositibo sa COVID-19

Maraming residente ang umalma dahil malaking abala ito para sa kanila lalo na sa mga namamasada na kinakailangan maghanap ng alternatibong ruta.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica