Hospicio De San Jose, naka-lockdown dahil sa 23 na mga nagpositibo sa COVID-19
- Kasalukuyang naka-lockdown ang Hospicio De San Jose sa Maynila dahil sa naitalang 23 na mga nagpositibo sa COVID-19 doon
- Mayo 1 nang maglabas ng opisyal na pahayag ang institusyon kaugnay sa kanilang kalagayan at nanawagan na rin para sa mga donasyon gayung hindi sila makalabas upang makabili ng kanilang mga pangangailangan
- Wala pang isang araw mula nang ilabas ang pahayag, dinagsa na sila ng tulong na karamihan ay mula sa mga dati nilang naalagaan
- Nananawagan pa rin ang kapitan ng kanilang barangay dahil bukod sa pagkain, kailangan din nila ng mga gamot at tulong pinansyal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naka-lockdown ngayon ang nasa mahigit 500 na katao sa Hospicio de San Jose sa Maynila dahil sa mga nagpositibo roon sa COVID-19.
Nalaman ng KAMI na noong Abril 30, 23 na ang mga kumpirmadong tinamaan doon ng COVID-19 na agad naman nilang na-isolate.
Sa kanilang opisyal na pahayag na inilabas nitong Mayo 1, humihingi na ng tulong ang institusyon lalo na at hindi sila makalabas para makabili ng kanilang mga pangangailangan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Wala pa mang 24 oras ay dinagsa na sila ng tulong na ang karamihan din ay mula sa kanilang dating mga naalagaan at hindi nakalimot na magmalasakit din sa kanila lalo na sa kanilang kalagayan ngayon.
Kahon-kahon at sako-sakong mga pagkain ang dumating sa Hospicio na labis naman nilang ipinagpapasalamat.
Subalit ayon kay Barangay Captain Teodoro De Castro ng Brgy. 663 Manila, bukod sa mga pagkain ay nangangailangan din ng tulong pinansyal ang institusyon lalo na at kailangan din ng mga ito ng gamot mapa-bata man o matanda. At dahil dumami ang may sakit, dumoble rin talaga ang kanilang gastusin.
Ang Hospicio De San Jose ay ang pinakamatagal na charitable institution ng Pilipinas na kumukupkop sa mga bata, matanda at mga walang tahanan. Sila ay nasa pangangalaga ng mga madre ng Daughters of Charity of St. Vincent De Paul.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa kasalukuyan, 1,054.983 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas. Abril 26 nang lumampas na sa isang milyon ang mga nagpositibo sa nasabing virus sa bansa.
Mula Mayo 1, nakataas pa rin sa Greater Manila Area ang modified enhanced community quarantine ngunit nabago lamang ang curfew hours mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.
Ibayong pagpapatupad pa rin ng minimum health standards tulad ng social distancing, pagsuot ng face mask at face shield lalo na sa mga pampublikong lugar.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh