78-anyos na lolo, tuloy ang pangangalakal para sa gatas ng kanyang apo
- Nag-viral ang post ng isang nagmalasakit na netizen tungkol sa lolo na naabutan niyang bumibili ng gatas para sa apo
- Nangangalakal umano ang lolo para lamang may makain sila at may mainom na gatas ang apo
- Hindi nagdalawang isip ang netizen na abutan ng tulong ang matanda na halata na ang pagod sa maghanapong hanapbuhay
- Ibinahagi ng netizen ang larawan ng lolo upang matulungan din ito ng ibang may mabubuting kalooban
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng marami ang 78-anyos na lolo na matiyaga pa rin na nangangalakal para sa araw-araw nilang pangangailangan.
Ibinihagi ng netizen na si Harvey Villanueva Porto ang larawan ng lolo na si Patricio Pilileyo nang makasabay niya itong bumili sa botika sa Manggahan General Trias Cavite.
"Post para hindi sumikat at umani ng papuri kundi para magtulungang matulungan si tatay na nangangalakal maiahon lang sa hirap mga apo niya"
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Kwento ni Harvey, labis siyang nahabag sa kalagayan ng lolo na nagsumikap na makalikom ng pera na maipambibili ng gatas ng kanyang apo.
Sa panahon ngayong laganap pa rin ang COVID-19, isa dapat si lolo sa mga nananatili na lamang sana sa kanilang tahanan.
Ngunit dala ng kahirapan at walang ibang maasahan, siya ang lumalabas para maghanapbuhay.
Kaya naman labis din ang paghanga sa kanya ni Harvey na nag-abot din ng tulong sa matanda at para sa pamilya nito.
"Stay strong tatay.Napakaswerte ng mga anak at apo mo, di alintana ang pandemic sayong edad para lang sa mga mahal mo sa buhay sa kabila ng edad mo. saludo ako sa'yo!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Dahil sa krisis ng pandemya, marami sa mga kababayan nating senior citizens ang napipilitan pa rin na maghanapbuhay kahit na ipinagbabawal silang lumabas madalas sa kanilang mga tahanan.
Gutom ang pangunahing dahilan nila kung bakit nakikiusap silang lumabas para maghanapbuhay lalo na kung sa kanila pa rin umaaasa ang kanilang mga mahal sa buhay.
Masuwerte na lamang ang ilan na nakakasalamuha ng mga taong may mabubuting kalooban at sila ay natutulungan ng higit sa kanilang inaakalang biyaya na matatanggap.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh