Nag-viral na lolang gumagawa ng basket, natulungan at nabigyan pa ng hanapbuhay
- Matapos na mag-viral ang post tungkol kay Lola Narcisa, dinagsa na siya ng tulong
- Mababang halaga lamang niya kasi ibinebenta ang kanyang mga woven basket kaya naisipan siyang tulungan ng isang nagmalasakit na netizen
- Mula noon ay sunod-sunod na ang biyaya sa matanda na hindi muna makapaggawa dahil maraming ahas sa pinagkukunan niya ng materyales
- Maging ang alkalde ng kanilang lugar ay tumulong kay Lola Narcisa at binigyan siya ng hanapbuhay na magturo ng paggawa ng basket sa kanilang mga kababayan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umaapaw na blessing ang natamo ni Lola Narcisa, ang gumagawa ng woven basket na naibahagi ng netizen na si Claire Borres Adaza.
Nalaman ng KAMI na si Lola Narcisa mismo ang gumagawa ng inilalako niyang magagandang klase ng woven basket ngunit sa mababang halaga lamang.
Labis na hinangaan siya ng ni Claire lalo na nang malamang si lola rin ang nangunguha ng kanyang mga materyales sa gubat.
Subalit nitong Abril, hindi rin nakapanguha ng gamit si Lola Narcisa dahil labis na mapanganib sa gubat dahil panahon daw ito ng paglabas ng maraming ahas.
Kaya naman "pre-order" lamang daw muna ayon kay Claire ang pagpapagawa sa matanda na makapagsiismula muli ngayong Mayo.
Dinagsa na rin ng tulong pinansyal si Lola Narcisa dahil sa viral post ni Claire.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Mahigit Php10,000 ang nalikom na pera para maibigay sa masipag na si Lola Narcisa.
At sa pinakabagong update nga ni Claire, naibahagi nito na mismong ang kanilang mayor ay nagpunta at sinadya si Lola Narcisa. Inalok kasi siya nito ng trabaho kung saan ituturo niya sa kanilang mga kababayan ang paggawa ng basket.
Sa ganitong paraan, mas maayos ang kikitain ni Lola Narcisa at makapagbibigay at maipapasa pa niya ang kanyang kaalaman sa mga mas nakababatang henerasyon ng paggawa ng woven baskets.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay umantig din sa puso ng marami ang kalagayan ni Lola Matilde ng Cebu na buwis buhay na umaakyat ng matarik na bundok, makapag-igib lamang ng tubig na maiinom at magagamit sa pangaraw-araw.
Nabigyan din siya ng tulong ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho at lokal na pamahalaan ng kanilang lugar subalit hangga't hindi pa naaayos ang pagkukunan ng tubig sa kanila ay patuloy pa rin siyang mamumundok para lang makakuha ng maiinom.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh