75-anyos na lola, lakas-loob na umaakyat ng bundok para makakuha ng ilang galon ng tubig

75-anyos na lola, lakas-loob na umaakyat ng bundok para makakuha ng ilang galon ng tubig

- Isang lola sa Cebu na mag-isang namumuhay ang lakas loob na umaakyat sa makipot na daan sa kabundukan para lamang makaigib ng tubig

- Walang mapagkunan ng tubig sa kanilang lugar kaya napipilitan siyang mag-igib kasama ng kanyang mga alagang aso

- Ilang guro sa lugar ang nakasaksi ng hirap ng matanda ngunit sila ma'y hirap ding mag-igib ng tubig

- Hangga't hindi pa mabibigyan ng pondo sa pagpapagawa ng mapagkukunan ng tubig ang lugar, patuloy pa rin sa pag-iigib ang kaawa-awang lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang kalagayan ng 75-anyos na si Lola Matilde ng Sitio Calibasan sa Toledo City sa Cebu dahil buwis buhay itong umaakyat ng bundok para lamang makapag-igib ng tubig.

Nalaman ng KAMI na mag-isa na lamang namumuhay si Lola Matilde kaya naman wala na siyang ibang inaasahan na makapag-igib para sa kanya.

Read also

Sekyu, nakuhanang bawang at sibuyas lang ang baon na ulam sa trabaho

Ayon sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho, inaabot ng mahigit isang oras ang maingat na pag-akyat ng bundok ng matanda.

75-anyos na lola, lakas-loob na umaakyat ng bundok para makakuha ilang galon ng tubig
Ang 75-anyos na si Lola Matilde (Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Makikita sa video ang kipot ng kanyang dinaraan marating lamang ang lugar kung saan mayroon siyang mapagkukunan ng tubig na maiinom.

Aminado si Lola Matilde na makailang beses na siyang nadisgrasya sa pag-akyat niya ng bundok.

“Palagi akong nadudulas diyan sa daanan. Humahawak talaga ako nang mahigpit dahil nadadala ako ng aking karga na galon. Gumulong talaga ako diyan, napagulong ako”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Bagaman at mayroon naman silang taga-igib sa lugar, hindi na kaya pa ni Lola Matilde na magbayad pa rito ng Php35 kada galon sa hirap din ng kanyang kalagayan.

Bagaman at natingnan na ng Department of Public Works and Highways 3rd District sa tulong ng KMJS, wala pa ring kasiguraduhan kung kailan magkakaroon ng maayos na pagkukunan ng tubig sa lugar ni Lola Matilde kaya naman habang wala pa ito, patuloy pa rin ang kanyang pamumundok, makapag-igib lamang ng tubig para sa kanya at sa kanyang mga alaga.

Read also

Bride-to-be na nakahuli sa pambabae umano ng fiancé, naglabas ng saloobin

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga kwento ng Kapuso mo, Jessica Soho (KMJS) ay ang baby switching na naganap sa pamilya Sifiata at pamilya Mulleno.

Umabot ng limang episode ang naturang kwento at nakahinga ng maluwag ang mga manonood nang makumpirmang nagkapalitan lamang talaga ng sanggol ang dalawang pamilya sa ospital kung saan ipinanganak ang mga ito.

Ang KMJS ay isang Philippine television news magazine show kung saan itinatampok ang iba't ibang kwento ng mga Pinoy. Ito ay mapapanood sa GMA tuwaing Linggo ng gabi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica