Bride-to-be na nakahuli sa pambabae umano ng fiancé, naglabas ng saloobin

Bride-to-be na nakahuli sa pambabae umano ng fiancé, naglabas ng saloobin

- Matapos mag-viral kamakailan ang post ng isang malapit sa bride na nagbenta ng mga gagamitin sana sa naunsyaming kasal, naglabas ng saloobin ang bride-to-be

- Aniya, kaya niya napagpasyahang ibenta na lamang ang mga ito sa mas mababang halaga kaysa sa orihinal na presyo ay para kahit papaano mabawi ang ginastos

- Hindi niya umano inaasahang magagawa ng kanyang kasintahan na lokohin siya sa tagal ng kanilang relasyon

- Magla-labindalawang taon na sana ang kanilang pag-iibigan kung hindi nangyari ang kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na nag-viral kamakailan ang post ng isang taong malapit sa babaeng nakatakda sanang ikasal sa kanyang kasintahan sa loob ng labing-isang taon.

Naudlot ang kanilang planong pagpapakasal kahit plantsado na halos ang lahat para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ito ay matapos umanong makarating sa bride-to-be ang tungkol sa pagkakaroon ng ibang kasamang babae ng kanyang mapapangasawa.

Read also

Jayzam Manabat at Camille Trinidad, pinabilib ang netizens sa kanilang katatagan

Bride-to-be na nakahuli sa pambabae umano ng fiancé, naglabas ng saloobin
Junesa Ann Infante
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, napagpasyahan niyang ibenta na lamang ang lahat ng kanilang binayaran para sa kasal sa mas mababang presyo para lamang maibalik kahit papaano ang mga ginastos.

Aminado siyang sobra siyang nasaktan sa kanyang natuklasan. Sa programang "Kapuso mo, Jessica Soho, binahagi ng bride ang kanyang saloobin.

“Mahilig siya sa mga surprise. Nagbibigay ng rose kapag may occasion. Pero sa lahat ng surprise niya, ito ang hindi ko talaga inaasahan! Nalaman kong meron siyang ibang girlfriend for almost a year!

Magla-labingdalawang taon na sana silang magkasintahan ngayong taon. Aniya, hindi niya lubos maisip na magagawa ng kanyang fiancé iyon.

More than 10 years ng buhay ko, ibinigay ko sa kanya eh. Sa tagal naming nagkasama, never kong naisip na mambababae siya. Lagi kong tinatanong ‘yung sarili ko, ‘Ano bang nagawa kong mali? Buong-buo ko naman siya minahal.”

Read also

62-anyos na Pasabuy rider, 'di iniinda ang cancer at tumutulong pa sa mga kapos-palad

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel