Jayzam Manabat at Camille Trinidad, pinabilib ang netizens sa kanilang katatagan

Jayzam Manabat at Camille Trinidad, pinabilib ang netizens sa kanilang katatagan

- Matapos ang matinding unos na pinagdaanan ng tambalang JaMil, tila napagpasyahan nilang kumapit at ipaglaban ang kanilang pag-iibigan

- Sa panibagong video na binahagi ng magkasintahan, makikita ang unti-unting panunumbalik ng kanilang lambingan

- Ikinatuwa ito ng mga "mandirigma" at ng mga netizens dahil sa kabila ng lahat ay hindi nila sinukuan ang isa't-isa

- Matatandaang tumindi ang pagbabahagi ng sama ng loob ni Camille kamakailan matapos niyang matuklasan ang tungkol sa mga babaeng nauugnay kay Jayzam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbunyi ang mga tagasuporta nina Camille Trinidad at Jayzam Manabat matapos nila ilabas ang panibagong video kung saan makikitang unti-unti nang bumabalik ang dating kulit at lambinga nila.

Jayzam Manabat at Camille Trinidad, pinabilib ang netizens sa kanilang katatagan
Photo from Camille Trinidad (@camilleptrinidad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para sa mga "mandirigma," nakakabilib ang dalawa dahil sa pinakita nilang katatagan sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan nitong mga nakaraang araw.

Read also

62-anyos na Pasabuy rider, 'di iniinda ang cancer at tumutulong pa sa mga kapos-palad

Hinangaan ng marami ang pagpapatawad ni Camille at ang pagpupursige ni Jayzam na muling makuha ang nawalang tiwala ni Camille.

Narito ang ilan sa mga komento ng kanilang mga tagahanga:

Kahit maraming pinagdaanan solid parin nadadaig pa din ang pagmamahal sa isat isa. Stay Strong and be safe po.
Salute to Camille. It is a very painful process but she stay strong and go beyond her limitation like a real wife to save her family ! Godbless you momsh. God prepares best for your sacrifices .
Ang sarap na makita na sa lahat ng pinagdaan nila nay camille at tay jayzam magkasama parin sila . Na miss ko sila panoorin ng magkasama. Sana tuloy tuloy na. Always mandirigma!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang Tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

Read also

Social media influencer na ri Rosmar Tan, naiyak dahil na-bully umano siya

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.

Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel