62-anyos na Pasabuy rider, 'di iniinda ang cancer at tumutulong pa sa mga kapos-palad
- Marami ang humanga sa kwento ni Tatay Charlie, ang 62-anyos na "Pasabuy rider" ng Laguna
- Bukod sa kanyang edad, mayroon ding prostate cancer ang lolo ngunit hindi niya ito iniinda at patuloy pa ring naghahanapbuhay
- Aminado mang hirap sa pagbibisikleta, nagagawa niya itong tiisin para lamang may kitain at matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya lalo na ang kanyang gamutan
- Nang makatanggap pa ng malaki-laking tulong sa mga nagmalasakit sa kanya, hindi siya nakalimot na magbahagi sa kapwa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang bumilib sa kwento ng 62-anyos na "Pasabuy rider" ng Laguna na si Tatay Charlie.
Matatandaang noong nakaraang taon, umantig sa puso ng marami ang kwento dahil sa kabila ng kanyang edad na 62, mayroon din siyang prostate cancer ngunit patuloy pa rin siyang naghahanapbuhay.
Nalaman ng KAMI na bagaman at nahihirapan sa pagbibisikleta dahil sa kanyang karamdaman, tinitiis niya ito maipagpatuloy lamang ang hanapbuhay. Ito kasi ang pinagkukunan nila ng mga panggastos ng kanyang pamilya gayundin ang para sa kanyang gamutan.
Nang muli siyang kumustahin ng Reporter's Notebook ng GMA News, nasabi niyang maraming nag-abot ng tulong sa kanya kaya naman may ilan siyang mga naipundar para pa rin sa kanyang hanapbuhay.
Nakabili siya ng bagong bisikleta at mga kagamitan nito, bagong motorsiklo at maging ang mga gamot niya ay hindi na niya prinoblema ang pambili.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kaya naman bilang sukli sa kabutihan at pagmamalasakit na kanyang natanggap, Naisipan niyang maglunsad ng proyekto na "Piso Padyak."
Ang halagang kanyang nalikom ang siyang ipinambili niya ng mga ipinamahagi sa mga kababayan nating nasalanta noon ng bagyo sa Bicol.
Sa probinsya pa lamang ng Quezon ay nagsimula na siyang magbigay ng tulong mga nadanaanan.
"Kahit po mayroon tayong iniindang sakit, patuloy tayong tutulong"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng nakakaantig ng pusong kwento ni Tatay Charlie mula sa Reporter's Notebook:
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tulad ni Tatay Charlie, kahanga-hanga sa panahon ngayon ang mga delivery riders na matiyagang naghahanapbuhay sa kabila ng banta ng COVID-19.
Mabuti na lamang at may mga kababayan tayong marunong na magbigay pagpapahalaga sa kanila at nabigyan din sila ng tulong bilang pasasalamat sa serbisyong labis nating kailangan ngayong dumaranas pa rin tayo ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh