Mulleno at Sifiata family ng 'baby switching' episode ng KMJS, may YouTube channel na

Mulleno at Sifiata family ng 'baby switching' episode ng KMJS, may YouTube channel na

- May YouTube channel na ang pamilya Mulleno at pamilya Sifiata ng 'baby switching' episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho"

- Ipinakita nila ang buhay nila matapos makuha ang totoo nilang mga sanggol

- Nagkaroon din ang Mulleno family ng Q&A kung saan sinagot nila ang mga katanungan pa ng sumubaybay sa kanilang kwento

- Ang pamilya Sifiata naman, ibinahagi ang kanilang buhay bago pa man dumating ang kanilang baby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Vloggers na ang pamilya Sifiata at Mulleno family ng 'baby switching' episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nalaman ng KAMI na mayroon nang YouTube channel sina Aphril at Marvin Sifiata at sina Margareth at Kim Jasper Mulleno.

Ibinahagi nila sa kani-kanilang mga YouTube channel kung ano na ang nangyari sa kani-kanilang mga buhay gayung naiuwi na nila ang totoo nilang mga anak.

Read also

Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'

Mulleno at Sifiata family ng 'baby switching' episode ng KMJS, may YouTube channel na
Photo from Margareth Traballo-Mulleno
Source: UGC

Marami rin talaga kasi ang sumubaybay at naintriga sa kauna-unahang 'baby switching' na naganap sa bansa na inakala ng marami na sa mga telenovela lamang nangyayari.

Sifiata Fam ang YouTube channel nina Aphril at Marvin. Ipinakita nila ang mga kaganapan nang tuluyan na nilang makasama ang kanilang anak.

Maging ang kanilang love story, pagbubuntis ni Aphril kay baby "Ayu" hanggang sa maipanganak niya ito at maganap ang 'baby switching' ay mas detalyado nilang inilahad sa kanilang vlog. Kasalukuyan na silang may 13.2K subscribers.

Samantala, ang YouTube channel naman ng mga Mulleno ay nakapangalan kay Margareth Traballo-Mulleno.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nagkaroon naman ng Q&A ang mag-asawa sa mga katanungan pa ng mga sumubaybay sa kanilang kwento at hindi na natalakay sa KMJS.

Naikwento rin nila ang pagkakaiba ng dalawang baby mula nang makuha na nila ang tunay na anak. Sabi pa ni Margareth, sa maiksing panahon ay napalapit na rin talaga sa kanya si baby "Ayu" na anak nina Aphril at Marvin.

Read also

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

Nabanggit din nila na talagang nananatiling "kalmado" sila maging nang kausapin na sila ng dalawang nurse tungkol sa pagkakapalit ng mga bata. Marami kasing netizens ang nakapansin nito sa kanilang mag-asawa.

Sa ngayon, mayroon na 21.9K subscribers ang pamilya Mulleno. Susunod na aabangan ng mga followers nila ang binyagan ng dalawa kung saan nabanggit nilang magiging ninong at ninang sila ng mga sanggol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.

Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica