Lola na nanlilimos, emosyonal nang tulungan at bilhan ng cake ng isang vlogger

Lola na nanlilimos, emosyonal nang tulungan at bilhan ng cake ng isang vlogger

- Naluluha ang isang lola na nanlilimos matapos na makita niya at matulungan siya ng vlogger na si Virgelyncares

- Pinakain siya nito ng maayos na hapunan at ipinamili ng ilang mga grocery items

- Bukod pa rito, binilhan din siya nito ng cake kung saan lalong naging emosyonal ang lola dahil hindi na nila talaga naipagdidiwang ang kanyang kaarawan

- Inihatid pa siya ni Virgelyn at inabutan siya ng tulong pinansyal bago ito umalis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lola na nanlilimos ang natulungan ng YouTube vlogger na si Virgelyncares. Nilapitan daw siya ng lola at tinanong kung siya raw si "Virgelyn."

Nalaman ng KAMI na labis na naghihikahos sa buhay ang lola na siyang bumubuhay sa apat na maliliit niyang mga apo.

Bago ihatid ni Virgelyn pauwi ang matanda na nagpakilalang si Lola Salve, pinakain niya muna ito ng maayos na hapunan.

Read also

Masuwerteng barbero, nabigyan ng malaking tip ng matulunging vlogger

Lola na nanlilimos, emosyonal nang tulungan at bilhan ng cake ng isang vlogger
Lola Salve (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: UGC

Ipinamili rin niya ito ng grocery items na maiuuwi niya sa kanyang mga apo.

Ngunit ang labis na umantig sa puso ng lola ay nang bilhan siya ni Virgelyn ng cake. Nabanggit pa ng matanda na dumaan na ang kanyang kaarawan ngunit "pinag-blow the birthday candle" pa rin ito ng vlogger.

Emosyonal ang lola at aminadong nalulungkot. Iyon na lamang daw muli kasi ang pagkakataon na naipagdiwang ang kanyang kaarawan na mayroong cake dahil laging ang mga apo na lamang niya ang kanyang iniintindi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nang binilhan din siya ng prutas ni Virgelyn, nabanggit niyang hindi niya talaga inaasahan na matutupad ang kanyang dasal.

Isang araw kasi bago niya makita ang vlogger ay nakapagsimba pa siya at humiling sa Diyos ng mga biyayang agad niyang natamasa kinabukasan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

17-anyos na raketera at nagpapagawa ng sariling bahay, nabiyayaan pa ng bagong motorsiklo

Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan.

Tulad ng Virgelyncares, isa rin si Denso Tambyahero sa mga kilalang vlogger sa bansa na pagtulong at pagmamalasakit sa mga Pilipino ang laman ng kanyang mga video.

Ang mga tulad nila ang nagbibigay pag-asa sa mga kababayan nating tila lalong naghikahos buhat nang mag-pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel