Masuwerteng barbero, nabigyan ng malaking tip ng matulunging vlogger

Masuwerteng barbero, nabigyan ng malaking tip ng matulunging vlogger

- Nabigyan ng malaking tip ang isang barbero na masuwerteng natiyempuhan ng vlogger na si Basel Manadil

- Hindi talaga ginamit ni Basel ang kanyang account sa social media upang hindi siya agad na makilala ng barbero

- Ngunit habang siya'y ginugupitan na nito ng buhok, nakilala rin siya ng barbero na pilit naman niyang itinatanggi

- Hindi napigilang maging emosyonal ng barbero nang iabot na sa kanya ni Basel ang malaking tip na hindi raw niya inaasahan kaya naman labis niya itong pinagpapasalamat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang masuwerteng kababayan natin ang nabiyayaan ng matulunging vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Nalaman ng KAMI na naisipan ni Basel na magpaabot ng tulong sa isang masuwerteng barbero na maggugupit ng kanyang buhok.

Dahil modified enhanced community quarantine sa greater Manila area, hindi pa rin pinahihintulutan na magbukas ang ilang mga serbisyo at isa na rito ang mga salon o barber shop.

Read also

Barangay officials sa kontrobersyal na "lugaw is essential" viral video, kinasuhan na

Masuwerteng barbero, nabigyan ng malaking tip ng matulunging vlogger
Photo: Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Kaya naman alam ni Basel na malaking tulong ang maibibigay niya sa matityempuhan niyang barbero na magbibigay sa kanya ng home service.

Naghanap lamang sila ng "home service barber" sa Marketplace ng Facebook. Kinailangan niyang gumamit ng FB account ng kanyang staff para hindi agad siya makilala.

Subalit habang ginugupitan na siya ng masuwerteng barbero na si "Jerwin", nakilala pa rin siya nito bilang siya ay isang YouTuber. Pilit pa rin itong itinanggi ni Basel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

At nang matapos ang serbisyo, doon na isiniwalat ni Basel ang kanyang pakay sa paghanap ng barbero at ang mapalad na nakita niya ay si Jerwin.

Higit na malaking halaga ang nakuha niya kumpara sa inaasahan niyang bayad ng vlogger sa kanya.

Labis siyang nagpasalamat lalo na ngayong wala siyang regular na trabaho at umaasa lamang sa paminsan-minsang raket tulad nang home service na pinagawa ni Basel.

Read also

Delivery rider na na-snatch ang cellphone, nabigyan ng bago sa tulong ng netizens

Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bukod sa barberong si Jerwin, namahagi na rin ng tulong si Basel sa mga jeepney at bus drivers na kanyang nasakyan o nadaanan.

Gayundin ang mga delivery riders, na madalas na mabiktima kamakailan ng mga fake bookings kaya naman bilang pasasalamat sa serbisyo ng ilan sa mga ito, nagbigay din siya ng malaki-laking tip.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica