Delivery rider na na-snatch ang cellphone, nabigyan ng bago sa tulong ng netizens
- Nabiyayaan ng bagong cellphone ang delivery rider na si Dexter na nanakawan ng CP habang nasa biyahe
- Nag-viral ang kwento ng rider na ito na nagtatrabaho ng maayos ngunit nawalan ng ikabubuhay dahil sa nanakaw na cellphone
- Bukod dito, nakasingit pa sa phone case ang kaunti niyang ipon kaya labis talaga itong nanlumo
- Ngunit marami ang nagmalasakit sa kanya na nagpaabot ng tulong sa rider para makabalik na rin ito sa paghahanapbuhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos na mag-viral ng delivery rider na si "Dexter", marami ang nagmalasakit na magpapadala sa kanya ng tulong.
Nalaman ng KAMI na si Dexter ang delivery rider ng 'Cravings to go' na nanakawan ng cellphone habang nasa byahe para mag-deliver sa kanyang customer.
Sa nag-viral na post tungkol kay Dexter, makikitang naluha talaga siya sa nangyari.
Hindi niya na-deliver agad sa customer ang order dahil sa nawalang cellphone kaya hindi niya agad ito na-contact.
Bukod sanawalang cellphone, nawala rin ang kaunti iyang ipon na nakasingit sa phone case nito.
Ang masaklap, binabayaran pa niya sa Home Credit ang naturang gadget kaya naman dumagdag pa ito sa kanyang pinoproblema.
At dahil wala nang cellphone, hindi rin siya agad na makababalik sa hanapbuhay.
Ngunit dahil sa mga netizens na nagmalasakit sa kanya, nabiyayaan siya ng bagong cellphone at tulong pinansyal.
Sa tulong ng vlogger na 'Team Katagumpay' makababalik na sa pagtatrabaho si Dexter dahil sa tulong na naiabot nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Marami ang nagsasabing isa sa maituturing na frontliners sa laban nating ito sa COVID-19 ang mga food delivery riders.
Sila ang halos buwis-buhay na kumukuha at nagdadala sa atin ng ating mga pagkain habang ang marami sa atin ay nakapirmi lamang sa kanilang tahanan.
Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kanilang marangal na hanapbuhay ay may mga tao namang nagagawa silang lokohin at ang masaklap, pagnakawan tulad na lamang ng sinapit ni Dexter.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh