Taho vendor, hinangaan nang magbahagi ng kanya sanang paninda sa community pantry
- Kahanga-hanga ang ginawa ng isang taho vendor na nagbigay ng kanya sanang panindang taho sa kanilang community pantry
- Isang netizen ang nakakita ng kabutihan ng taho vendor sa Kawit, Cavite na namigay ng ilang bagong taho
- Inilapag niya ito ng maayos sa mesa ng community pantry sa lugar bilang pagtulong niya sa mga kababayan niyang nangangailangan din ng tulong
- Umabot na sa 12,000 na positibong reaksyon ang naturang post na nakapagbigay inspirasyon sa marami
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang nakakataba ng puso na nagawa ng isang taho vendor sa Brgy. Panamitan sa Kawit, Cavite kung saan nagbahagi siya ng kanya sanang paninda sa kanilang community pantry.
Nalaman ng KAMI na namataan ang mapagbigay na tindero ng taho na naglalagay ng ilang baso na puno ng taho sa mesa ng kanilang pantry.
Ayon sa Explain PH, ibinahagi ang larawan na ito ng Starfish Project na talagang nakapagbigay ng inspirasyon sa marami.
Dahil dito, umani na ng nasa 12,000 na mga positibong reaksyon ang naturang post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na bumilib sa pagmamalasakit ng taho vendor sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong:
"More blessings sa'yo kuya. Busilak talaga ang puso ng mahihirap kasi dama natin ang hirap ng bawat isa"
"Sana ganitong klaseng kabutihan ang nakikita natin sa araw-araw. Para natututo tayo laging magbigay at magmalasakit at maging bukas palad para sa ating mga kapwa. Saludo po ako sa iyong kabutihan ng puso tatay. Ito 'yung hindi gahaman sa buhay at hindi nanlalamang sa kapwa"
"Dama marahil ng magtataho ang hirap ng buhay kaya naman nag-share siya ng kung ano ang meron siya"
"We salute you sir. Sana marami pa na katulad ni tatay. Kahit mahirap ang buhay ibinabahagi pa din niya yung kaunting kita niya sa mga nangangailangan."
"Kay tatay taho vendor, napakabuti niyo po nakakaiyak kung sino pa 'yung mga kapos o sakto lang ang kinikita siya pa 'yung patas lumaban sa buhay"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry na nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City.
Nagsilbi itong inspirasyon sa marami at malaki ang maitutulong nito sa mga kababayan nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at pangangailangan sa araw-araw.
Marami pa rin sa ating mga manggagawa ang hindi pa muli nakababalik sa kani-kanilang mga hanapbuhay.
Kaya naman malaking bagay ang pagkakaroon ng mga community pantry sa iba't ibang lugar na makatutulong sa mga pamilyang lalong naghihikahos sa panahon ngayon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh