Viral na lolang naiyak sa community pantry, may matindi palang pinagdadaanan
- Kailangan nang umalis sa tinitirahang bahay at inaasahan ng dalawang anak na may sakit
- Ito ang kalagayan ng viral na lola na biglang naiyak nang makakuha ng ayuda sa isang community pantry
-Umantig sa damdamin ng karamihan ang dahilan nang pagiging emosyonal nito na nakilalang si Nanay Emma
- Sa kabutihang-palad ay may mga mabubuting puso na nagpaabot ng tulong dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kailangan nang umalis sa tinitirahang bahay at inaasahan ng kanyang dalawang anak na parehong may sakit.
Ito ang kalagayan ng viral na matandang babae na bigla na lamang naiyak nang makakuha ng ayuda isang community pantry sa Calamba sa Laguna.
Batay sa update ng mga organizers ng Calamba Bayan community pantry, hinanap nila ang matandang babae na umantig sa damdamin ng karamihan at nakilala ito, si Nanay Emma Gali, 75-anyos at biyuda.
Ayon sa Facebook post ng Calamba Bayan community pantry, napag-alamang bedridden na ang isang anak ni Nanay Emma habang ang isa naman ay na-stroke.
Noong araw na nakuhanan ito na naiyak ay sinabi nitong nagkaroon ito ng pag-asa kahit na paano ay maitatawid ang kanilang pangkain.
Pero ang mas masaklap dito, kailangan na nilang umalis sa bahay na kanilang tinitirahan dahil ibebenta na iyon ng may-ari ngunit wala silang pera.
Sa kabutihang-palad ay may mga mabubuting loob na nagpaabot ng tulong sa mag-iina. Kasalukuyang inihahanap ang mga ito ng bahay na matitirahan sa tulong na rin ng ilang donors.
Ipapa-check up na rin sila upang masiguro ang kanilang kalusugan. May mga pagkain na ring ibinigay ang organizers ng nasabing community pantry para sa mag-iina.
Narito ang ilang bahagi ng post ng Calamba Bayan community pantry:
"She is Nanay Emma Gali. 75 years old. Byuda na.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Siya na lang po ang inaasahan ng dalawa niyang anak. Parehong may kapansanan ang anak niya. Bedridden na yung isa for two years. Yung isa naman nastroke at nakakapaghanapbuhay kaso by commission or base lang sa nabebenta niyang sim card. Pinaalis na sila sa Sunday ng may ari ng lupa at bahay na tinitirhan nila. December pa sila nasabihan na kailangan na nila umalis kasi ibebenta na. Kaso, hindi sila makahanap ng lilipatan at wala naman silang pera. Mabait naman yung may ari daw po. Hindi na sila pinagbayad ng kuryente since February. Hindi po nabanggit kung bakit kailangan ibenta na yung bahay at lupa ng may ari. Yung tubig nila nakikiigiib daw sila na binabayaran din nila.
"Nong pumunta siya sa Pantry namin noon, mangiyak ngiyak siya kasi nabigyan daw siya ng pag-asa na makatawid sila ng pagkain sa ilang araw. Pigil na pigil din daw siya na mahimatay at magcollapse kasi mainit noon at naglakad lang siya. Nilakasan lang niya yung loob niya para sa dalwa niyang anak na naasa sa kanya.
"That time na nagpunta ang mga kasama namin, kakauwi lang niya galing sa isang Community Pantry sa Lawa. Nilakad daw niya mula sa kanla papunta sa isang Pantry na nasa 15-20 kilometers kasi wala daw talaga silang kakainin.
"Nong pumunta kami doon, nag-eempake na sila.
"Ang tanong namin sa kanya noon, saan kayo pupunta pag pinaalis kayo. Hindi kami nasagot ni Nanay kasi hindi niya alam ang sagot. Iisa lang ang alam namin, may posibilidad na wala na silang matirhan sa Sunday.
"Kami po sa Calamba Bayan Community Pantry ay naghahanap ng mga paraan para matulungan sila Nanay Emma pero limitado lang ang kaya naming gawin.
"Nagdala na po kami ng Grocery sa kanla saka ulam pero kailangan talga nila ng matitirhan sa lalong madaling panahon. Gusto rin sana ni Nanay Emma na mapatignan daw ung bedridden niyang anak.
"Gusto sana ni Nanay Emma na hindi na umalis ng barangay niya kasi 20 years na sila doon.
"Ang kailangan nila ay matitirhan (or pang upa ng ilang buwan), pampatingin sa anak niya saka kahit man lang pangtinda na konte."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa isa pang report ng KAMI, isang lolo naman na dating pedicab driver ang pinahanga ang marami dahil kahit na inalok ito ng marami ay tanging asukal lang ang kinuha nito sa isang community pantry.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh