Senior citizen, biglang naiyak matapos makakuha ng ayuda sa 1 community pantry
- Naiyak ang isang matandang babae matapos siyang makakuha ng ayuda sa isang community pantry
- Nag-alala raw ang mga naroon nang bigla itong umiyak at tinanong kung sapat na raw ba ang nakuha nito
- Ayon kay lola, masaya lang siya na may ipangtatawid-gutom na siya sa ilang araw
- Nitong nakaraang linggo ay sunod-sunod na naglitawan ang mga community pantry sa bansa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naiyak ang isang matandang babae matapos makakuha ng ayuda mula sa isang community pantry sa Calamba City, Laguna.
Batay sa Facebook post ng Calamba Bayan Community Pantry, nag-alala ang mga taong naroon nang bigla nalang umiyak ang matanda.
Tinanong pa nila ito kung sapat na ba ang nakuha nitong tulong mula sa community pantry at inalok pa ito.
Ngunit tumanggi pa raw si lola na dagdagan at nakuha dahil sapat na iyon sa kanya. Naiyak lang daw ito dahil sa labis na tuwa.
Narito ang kabuuan ng FB post ng Calamba Bayan Community Pantry:
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Kanina nagulat kami. Bigla na lang kasing umiyak yung isang matanda habang nakuha ng gulay. Tinanong namin kung bakit saka kung may gusto pa siya idadag. Sabi niya wala na raw. Ok na daw yon. Sobra pa nga. Sobra lang daw niyang saya at pasasalamat na nabigyan siya kaya napaiyak na siya. Ilang araw din daw yung maitatawid ng mga nakuha niya.
"Sa panahon talaga ngayon, ang isang supot ng gulay at bigas ay kaligayahan na para sa iba," ayon dito.
Mabilis na nag-viral ang post na ito at marami ang naantig sa matanda at may ilang nais pa siyang tulungan.
Nitong nakaraang linggo ay sunod-sunod na nagsulputan ang mga community pantry sa bansa para tumulong sa mga hirap nating kababayan. Simple lang ang konsepto nito, magbigay ayon sa kakayahan at kumuha batay sa pangangailangan.
Nagsimula ito sa Maginhawa community pantry na siyang naging ugat ng makabagong bayahinan nating mga Pinoy.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Pero hindi lahat, magandang balita ang kaakibat ng mga community pantry.
Naging usap-usapan ang grupo ng ilang kababaihan sa Pasig City matapos makuhanan ng CCTV nang limasin ng mga ito ang laman ng isang community pantry.
Marami ang bumatikos sa ginawa ng mga ito at naging laman din ng balita. Kamakailan ay nanawagan pa ang isa sa mga ito kay Raffy Tulfo dahil sa labis na stress na naranasan dahil sa nangyari.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh