TV show sa Iraq, binatikos dahil sa terrorist prank na ginawa nila sa isang aktres

TV show sa Iraq, binatikos dahil sa terrorist prank na ginawa nila sa isang aktres

- Isang aktres sa Iraq ang nabiktima umano ng kakaiba at nakapangingilabot na prank sa isang Tv show

- Inakala niyang bibisitahin lamang niya ang isang pamilya na lumikas sa Baghdad kung saan mayroong kaguluhan

- Laking gulat nila nang bigla na lamang silang nakarinig ng pagsabog na sinundan na ng ilang mga putok ng baril

- Sa tindi ng tensyon dalawang beses pang hinimatay ang aktres na kinailangan pa siyang sabuyan ng tubig para mahimasmasan

- Paliwanag ng TV host at creator, nais lamang niyang ipakita ang sinasapit ng mga napapasakamay ng terorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaiba at nakakapanindig balahibo sa takot ang isinagawang prank sa aktres na si Nessma ng Iraq.

Nalaman ng KAMI na sa dinami-rami ng prank na maaring gawin sa kanya, eksena pa ng terrorist attack ang isinagawa sa kanya.

Read also

Ginang na nag-donate ng sariling tanim sa community pantry, umantig sa puso ng netizens

Sa ulat ng GMA News, ipinakita ang ilang eksena sa prank na isinagawa kay Nessma ng isang TV show sa kanilang bansa.

TV show sa Iraq, binatikos dahil sa terrorist prank na ginawa nila sa isang aktres
Photo from Tanneb Rislan
Source: Facebook

Inakala ng aktres na dadalawin lamang nila ang isang pamilya na nakalikas sa Baghdad kung saan mayroong kaguluhan.

Halos kararating pa lang nila sa lugar nang magkaroon ng pagsabog na sinundan na ng mga putok ng baril.

Mapapansin din sa video na tila sinabitan pa siya ng kunwaring bomba, dahilan para siya ay magsisigaw sa tindi ng takot.

Piniringan pa ang kanyang mga mata at itinali ang kanyang mga kamay kaya naman wala talaga siyang ideya kung ano nga ba ang totoong nangyayari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Makailang beses ding hinimatay ang aktres habang isinasagawa ang prank na kinailangan pa siyang sabuyan ng tubig para lang mahimasmasan.

Bagaman at labis na binabatikos ang isinagawang prank, ipinaliwanag ng TV show host at creator na nais lamang niyang ipakita ang dinaranas ng mga nagiging bihag ng terorista. Layunin din niyang manawagan na para tuluyan nang matigil ang mga gawain ng grupo sa iba't ibang panig ng mundo.

Read also

Jollibee sa Quezon, natulungan ang isang ginang na 'di na alam kung saan uuwi

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa Pilipinas, marami na ring mga vlogger o YouTuber ang nagsasagawa ng prank ngunit malayo sa panganib na tulad ng dinanas ng Nessma.

Isa sa mga tumatak na prank sa mga Pinoy ang isinagawa ni Ivana Alawi kung saan nagpanggap siyang pulubi. Ito kasi ang nakita niyang paraan upang makita ang kabutihan ng mga Pilipino sa oras ng kagipitan at hindi naman siya nabigo.

Katunayan, sobra-sobra pa ang ang naitulong na niya ngayon sa kutsinta vendor na nagmalasakit sa kanya sa pag-aakalang isa nga siyang pulubi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel