Lolong asukal lang ang kinuha sa 1 community pantry, inspirasyon ngayon

Lolong asukal lang ang kinuha sa 1 community pantry, inspirasyon ngayon

- Inspirasyong maituturing ngayon ang isang matandang lalaki sa Cavite

- Si lolo Hector na dating pedicab driver ay nagsilbing halimbawa sa marami sa konsepto ng community pantry

- Ayon sa isang netizen, si lolo Hector ay kumuha lang ng dalawang plastik ng asukal kahit na inalok pa nila ito ng iba

- Ngunit ayon dito, iyon lamang ang kailangan nito kaya iyon lang ang kukunin nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inspirasyon ngayon ng marami ang isang dating pedicab driver na hinahangaan ngayon matapos mag-viral.

Ayon sa netizen na si Gerald Paredes Carsucho, araw-araw na dumaraan sa kanilang community pantry si lolo Hector ngunit hindi ito kumukuha ng kahit na ano.

Isang araw, nang may makita itong asukal ay tsaka lang ito lumapit at kumuha ng dalawang plastik niyon.

Lolong asukal lang ang kinuha sa 1 community pantry, inspirasyon ngayon
Photo: Anabu Community Pantry (Gerald Paredes Carsucho)
Source: Facebook

Ayon kay Carsucho, inalok pa nila ang matanda na kumuha ng iba pang naroon sa community pantry ngunit tumanggi ito.

Read also

Jelai Andres, inilahad ang pagiging sobrang seloso ng kanyang ex

Ayon kay lolo Hector, asukal lamang daw ang kailangan nito kaya iyon lang ang kukunin niya.

Narito ang bahagi ng Facebook post ni Carsucho:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"KWENTONG COMMUNITY PANTRY! ❤
"Araw-araw naming nakikita si tatay na dumadaan sa pantry ngunit nagtataka kami kung bakit hindi sya kumukuha. Isang araw ay nakita niyang may asukal at tumigil siya upang kumuha ng dalawa nito. Inalok namin siya ng iba pang mga nakalatag sa lamesa ngunit ang sagot ni tatay ay: "May mga sardinas at bigas na ako sa bahay, asukal lang ang wala ako para sa pag kakape ko, kaya ito lang ang kukunin ko." At kami'y biglang natahimik.
"Nawa'y lahat ng mamamayan ay matutong kumuha batay lamang sa kanilang pangangailangan upang marami pang kapwa nila nangangailangan ang makinabang dito. Gayundin, upang malagpasan nating lahat ng sama-sama ang krisis na ito.

Read also

Senior citizen, biglang naiyak matapos makakuha ng ayuda sa 1 community pantry

"Ang community pantry ay tinuturuan tayo ng malasakitan, kung mayroong may sobrang kinikita ay magbahagi, kung may kakulangan ay kumuha ng hindi sobra rito."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lang nagsulputan ang mga community pantry sa bansa na nagsimula sa Maginhawa community pantry. Ngunit hindi lahat ay naunawaan ng konsepto nitong, "Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan."

Sa isang report ng KAMI, ilang kababaihan ang binatikos matapos limasin ang laman ng isang community pantry.

Sa isa pang community pantry, tinangay rin maging ang mesa at upuan na pinaglalagyan ng mga ayuda roon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone