Jelai Andres, inilahad ang pagiging sobrang seloso ng kanyang ex

Jelai Andres, inilahad ang pagiging sobrang seloso ng kanyang ex

- Binahagi ni Jelai Andres ang kanyang pamamasyal sa beach kasama ang kanyang dalawang kaibigan

- Dito ay nagsuot siya ng iba't-ibang swimwear na huhusgahan ng kanyang kaibigan at nagbigay sila ng rating

- Sa isang bahagi ng video, nabanggit ni Jelai ang pagiging sobrang seloso umano ng kanyang ex at nagagalit pa umano ito sa kanyang pananamit

- Ani Jelai, sana ay hindi na lamang nito pinilit na makipagbalikan sa kanya kung may iba itong gusto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang mainit na palitan nila ng maanghang na salita ng asawang si Jon Gutierrez, binahagi ni Jelai Andres ngayong araw ang isang video kung saan namasyal siya kasama ang kanyang dalawang kaibigan sa beach.

Jelai Andres, inilahad ang pagiging sobrang seloso ng kanyang ex
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mystica, pinagmumura sina Angel Locsin at Liza Soberano

Sa nasabing video, hinayaan niyang ang mga kaibigan ang maghusga sa mga sinuot niyang swimwear at nagbigay din sila ng mga rating.

Kabilang sa naikwento ni Jelai ay ang tungkol sa pagiging sobrang seloso umano ng kanyang ex. Nagalit umano ito nang may magpapicture sa kanya at magiging ang pananamit nito ay kanyang inalmahan.

Ayon kay Jelai, noong panahong iyon, inakala niyang ganun ang reaksiyon ng kanyang ex dahil mahal siya nito. Ngunit ito pala ang may ginagawang hindi maganda.

Hirit pa ni Jelai, sana hinayaan na lamang siya nitong makapagmove-on dahil baka naging masaya pa siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Read also

Lalaki sa isang community pantry, nahusgahan dahil sa kumalat na litrato

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob sa asawa ng aktres na si Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel