Larawan ng batang nakikinood ng TV sa isang tindahan, ikinalungkot ng marami

Larawan ng batang nakikinood ng TV sa isang tindahan, ikinalungkot ng marami

-Marami ang naantig ang puso sa isang viral post sa social media

-Larawan ito ng isang bata na nakikinood ng TV sa isang tindahan na hindi na rin bago sa atin

-Umani ito ng simpatya at awa mula sa maraming netizens na napukaw ang damdamin dahil sa napakabigat na nilalaman ng larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Mahigit 100,000 shares sa social media ang nakuha ng isang viral post kung saan itinampok ang isang bata.

Sa viral post na ito, makikita ang isang bata habang nakikinood ng TV sa isang tindahan.

Ang larawang ito ay kuha at in-upload ng netizen na si Angel Fonseca mula sa Mexico.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Anito: "We are not all born with the same opportunities..."

Bagamat sa ibang bansa ito nagmula, mabilis pa rin itong nagviral sa Pilipinas lalo pa at hindi na bago ang ganitong eksena sa marami sa atin.

Habang ang karamihan naman sa mga netizens ay nabagbag ang damdamin at mayroon pa ngang nais na mag-abot ng tulong para sa bata.

Ang ilan naman, naalala raw ang kanilang mga anak o ang kanilang kabataan dahil sa naturang larawan.

Samantalang ang iba naman, sinabing habang ang ilan ay hindi pinapansin ang mga simpleng bagay sa kanilang buhay, biyaya naman itong maituturing para sa isang batang katulad ng nasa viral post na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Raffy Tulfo aired strong words against the Yllana brothers amid the controversy surrounding Yllana Brothers School. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone