Mesa at upuan na pinaglalagyan ng mga ayuda sa 1 community pantry, tinangay rin

Mesa at upuan na pinaglalagyan ng mga ayuda sa 1 community pantry, tinangay rin

- Nananawagan ang isang barangay kagawad sa Parañaque na ibalik ang mesa at upuan na pinaglalagyan ng mga ayuda sa kanilang community pantry

- Batay sa post ng kagawad, tinangay din ng mga kumuha ng mga donasyon ang mesa at upuan

- Mabilis na nagsulputan ang mga community pantry sa iba't ibang panig ng bansa matapos itong mag-viral

- Samantala, isang grupo naman ng kababaihan ang binatikos ng netizens matapos ubusin ang laman ng isang community pantry sa Pasig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nananawagan ang isang netizen sa Parañaque na ibalik ang mesa at upuang pinaglalagyan nila ng mga ayuda sa kanilang community pantry.

Batay sa Facebook post ng barangay kagawad na si Mark Aragon, ngayong araw, April 20, pati ang mesa at upuan na pinaglalagyan ng mga donasyong pagkain ay tinangay na rin.

Read also

Viral! 1 sa mga babaeng nanimot sa community pantry sa Pasig City, nag-sorry na

"HELLOW PO HINDI PO KASAMA SA COMMUNITY PANTRY PO NATIN UNG LAMESA AT UPUAN na pinag lalagyan po natin ng mga pagkain po. PAKIBALIK PO KASI MAMAYA MAG LALAGAY AKO NG MGA FOODS ULIT NA GALING PO SAKIN AT SA MGA NAG DONATE PO."

Mesa at upuan na pinaglalagyan ng mga ayuda sa 1 community pantry, tinangay rin
Photo: Barangay San Antonio community pantry (Mark Aragon)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maraming netizens ang hindi natuwa sa pangyayaring ito. Ayon pa nga sa iba, sana araw ay mayroon nang magbantay sa mga community pantry.

Sunod-sunod na nagsulputan ang mga community pantry sa iba't ibang panig ng bansa matapos mag-viral ang Maginhawa Community pantry sa Quezon City na itinayo ni Ana Patricia Non.

Sa isa pang report ng KAMI, dinagsa ng donasyon ang Maginhawa Community pantry at maging ang mga magsasaka mula sa Tarlac ay nagpaabot din ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Simot! Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, viral ngayon sa social media ang video kung saan nakuhanan ng CCTV ang anim na babae na nilimas ang laman ng community pantry sa Barangay Kapitolyo sa Pasig City.

Ayon sa panayam sa nagtayo nito, nag-sorry na umano ang isa sa mga babae matapos mag-viral ang ginawa nila, na una nang naibalita ng KAMI.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone