Patrick Garcia at asawang si Nikka Garcia, pinasilip ang kanilang inihandang hospital bag

Patrick Garcia at asawang si Nikka Garcia, pinasilip ang kanilang inihandang hospital bag

- Ibinahagi ng mag-asawang Patrick at Nikka Garcia ang laman ng kanilang hospital bag

- Ito ay sa paghahanda para sa paglabas ng kanilang ikaapat na anak na umano'y malapit nang ipanganak ni Nikka

- Bukod sa gamit ng kanilgn parating na baby boy, naihanda na rin ni Nikka ang para sa kanilang mag-asawa

- Para sa limang araw ang inihanda nilang gamit para umano maging sigurado lang ngunit base sa kanyang naunang panganganak ay tumatagal lamang sila ng 3 araw sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bakas sa mag-asawang Patrick at Nikka Garcia ang pananabik na mahawakan na ang kanilang pang-apat na anak. Ayon kay Nikka, nakahanda na ang kanilang hospital bag dahil palapit na ang araw na isisilang niya na ang kanilang baby boy.

Patrick Garcia at asawang si Nikka Garcia, pinasilip ang kanilang inihandang hospital bag
Photo from Nikka Garcia (@nikkamgarcia)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kristel Fulgar, binahagi ang kanyang kauna-unahang original Korean song

Bukod sa mga gamit ni baby, naihanda na rin ni Nikka ang para sa kanilang mag-asawa. Pati ang mga dokumento ay nakalagay na sa isang envelope kung saan nakasulat ang panagalan ng kanilang anak. Ito umano ay para hindi makalimutan ang tamang spelling ng pangalan ng kanilang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Patrick Garcia ay isang aktor na unang nakilala nang mapasali siya sa pelikulang "Separada" noong 1994. Ilan sa mga ginawa niyang teleserye ay "Gimik", "Araw-araw, gabi-gabi", at "Asero." Siya ang nakababatang kapatid ng dating aktres na si Chesca Garcia. Pinsan siya nng mga aktres na sina Sharmaine Arnaiz at Bunny Paras. Nagkaroon siya ng anak sa dating karelasyon na si Jennylyn Mercado. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, naging maayos ang kanilang samahan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Nag-viral na construction worker na dumadalo ng online class, dinagsa ng tulong

Sa katunayan, maging ang kasalukuyan nitong asawang si Nikka Garcia ay malapit kay Alex Jazz. Marami sa mga netizen ang natuwa sa pagbati nina Jennylyn at Nikka tuwing sumasapit ang kaarawan ni Alex Jazz.

Matatandaang naging usap-usapan ang umano'y tampuhan noon ni Nikka at Chesca Garcia. Gayunpaman, matapos lumabas ang mga video na muli silang nagkasama, marami ang natuwa na sa wakas ay nagkaayos sila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel