Ellen Adarna, may rebelasyon tungkol sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz

Ellen Adarna, may rebelasyon tungkol sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz

  • Pinuri ng aktres na si Ellen Adarna ang kanyang dating karelasyon na si John Lloyd Cruz matapos mapag-usapan sa Instagram ang kanilang maayos na samahan bilang co-parents sa kanilang anak na si Elias
  • Ibinahagi ni Ellen sa isang netizen na hindi siya kailanman siniraan ng aktor at maayos nitong hinarap ang pagtatapos ng kanilang relasyon noon nang walang anumang paninira laban sa kanya
  • Kasabay nito ay diretsahan ding nilinaw ng aktres sa isa pang komento na magkaibigan at magkatuwang lamang sila sa pagpapalaki ng anak at walang nagaganap na pagbabalikan sa pagitan nila
  • Matatandaang naging magkasintahan sina Ellen at John Lloyd noong taong 2017 at isinilang ang kanilang anak noong 2018 bago sila tuluyang naghiwalay noong 2019 nang may paggalang sa isa't isa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay ng papuri ang aktres na si Ellen Adarna sa kanyang dating karelasyon na si John Lloyd Cruz matapos mapag-usapan sa social media ang kanilang kasalukuyang samahan bilang co-parents sa kanilang anak na si Elias. Naganap ito sa isang palitan ng komento sa Instagram kung saan pinansin ng mga tagasubaybay ang magandang ugnayan ng dating magkasintahan.

Read also

Ai Ai delas Alas, may makahulugang pahayag tungkol sa pagiging ina

Ellen Adarna, may rebelasyon tungkol sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz
Ellen Adarna, may rebelasyon tungkol sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz (📷@maria.elena.adarna/IG)
Source: Instagram

Sinagot ni Ellen ang komento ng isang netizen na nagpahayag ng paghanga sa kung paano nila ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang mga magulang sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Sa nasabing komento, isinulat ng follower ang: "Might not work out as lovers but such a good example of good co-parents!"

Bilang tugon, ibinahagi ng aktres ang isang bagay na labis niyang pinahahalagahan kay John Lloyd, partikular na ang naging asal at paraan nito sa pagharap nang magtapos ang kanilang relasyon. Ayon kay Ellen, "never nya rin naman kc nya ako siniraan and never nag smear campaign and he took the break up like a man"

Binigyang-diin ng aktres na walang naganap na paninira mula sa aktor matapos ang kanilang hiwalayan. Bagama't hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Ellen tungkol sa kanilang nakaraan, malinaw sa kanyang mensahe ang pagkilala sa maayos na asal ng dating karelasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa pagpuri kay John Lloyd, sinagot din ni Ellen ang isa pang komento mula sa netizen na nagbigay ng ibang kahulugan at nagtanong tungkol sa posibilidad ng kanilang pagbabalikan. Diretsahang nilinaw ng aktres na ang kanilang magandang samahan sa kasalukuyan ay hindi nangangahulugan ng muling pagkakaroon ng romantikong ugnayan.

Read also

John Lloyd Cruz, nag-iwan ng mensahe matapos purihin ni Ellen Adarna

Pabirong tugon ni Ellen sa nasabing komento, "Luhh. We are just really co parenting and good friends and we are really better off like this." Ipinakita ng kanyang sagot na komportable at masaya siya sa kasalukuyang estado ng kanilang ugnayan, at mas pinipili nilang panatilihin ang pagkakaibigan alang-alang sa pagpapalaki kay Elias.

Bilang maikling balik-tanaw, naging magkasintahan sina Ellen at John Lloyd noong 2017 at piniling gawing pribado ang kanilang pagsasama. Isinilang ang kanilang anak na si Elias Modesto noong 2018, ngunit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon noong 2019. Gayunpaman, hindi naging laman ng balita ang palitan ng masasakit na salita at nanatili silang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na naging usap-usapan sa social media ang mga pahayag nina Ellen at John Lloyd tungkol sa kanilang ugnayan bilang mga magulang, gaya ng mga kamakailang ulat na inilathala sa Kami.com.ph:

Sa isang naunang ulat ng KAMI, diretsahan nang nilinaw ni Ellen Adarna na magkaibigan at co-parents lamang sila ni John Lloyd Cruz. Sinagot niya noon ang mga haka-haka ng netizens tungkol sa kanilang magandang samahan at ipinaliwanag na mas mabuti para sa kanilang dalawa ang ganitong set-up.

Sa isa pang balita, napag-usapan ang naging komento ni John Lloyd Cruz sa post ni Ellen matapos purihin ng aktres ang pagiging hands-on na ama nito kay Elias. Naging kapansin-pansin ang mensaheng "Love you Len" na iniwan ng account na iniuugnay sa aktor, na sinagot din ni Ellen upang muling idiin ang kanilang magandang samahan bilang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate