Matandang ina, sinampal ng tsinelas ng malditang anak dahil lamang sa pagkain

Matandang ina, sinampal ng tsinelas ng malditang anak dahil lamang sa pagkain

- Isang matandang nanay ang umiiyak na lumapit sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action

- Inireklamo niya ang dalawang malditang mga anak dahil sa sobrang pang-aapi na ginawa sa kanya, sinampal pa siya ng bunsong anak niya ng tsinelas

- Napamura pa si Idol Raffy sa bunsong anak ni nanay dahil sa kayabangang ipinamalas nang makausap nito sa telepono

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog si Maria Magdalena Austria, 62-anyos, sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action, at inireklamo ang kanyang dalawang anak na babae.

Nalaman ng KAMI na may matinding di pagkakaunawaan si nanay sa mga anak niyang sina Irish Gryzel Galon, 36, at Kren Austria, 30.

Ayon sa kuwento ni nanay, ang pinagmulan daw ng kanilang di pagkakaintindihan ay sushi, isang Japanese food.

Nirequest niya ang panganay niya na gawan ng sushi ang kanyang uncle dahil HRM graduate siya, pero di ito nagawa at dito na nagsimula ang problema.

Ayon sa panganay ni nanay, sinisiraan daw kasi ni Nanay Magdalena ang kanyang mga anak at apo, pero sabi ni Nanay, ang nais niya lang ay huwag nang ihome-school ang bata at pag-aralin sa regular school para makisalamuha sa ibang bata.

Ikinwento rin ni Nanay na dahil sa bastos na pagsagot ni Kren sa kanya, nagawa ng huli na sampalin siya ng tsinelas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagmistula na ring estranghero si nanay sa sariling bahay at di na makagalaw, bagkus ang dalawa pang anak ang maraming ipinagbawal sa kanya.

Si Tulfo gustong palayasin na ang mga malditang anak dahil sa sobrang pang-aaping ginawa sa ina, pero si Nanay, umaasang magkaayos pag nakausap ang mga anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo recounts her most embarrassing moment on set and it's utterly hilarious! Watch it on Human Meter

Source: Kami.com.ph

Related news
Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel