8-anyos na nangutang sa tindahan para sa inang may sakit, natulungan ng isang vlogger
- Natulungan ng vlogger na si Virgelyncares ang isang walong taong gulang na bata na naabutan niyang nangungutang sa isang tindahan
- Nang kanya itong usisain, nalamang niyang may sakit pala ang ina nitong hindi na makagalaw ng maayos
- Bukod pa rito, may apat pa siyang maliliit na mga kapatid na iniintindi rin niya
- Wala ang kanilang ama na naghahanapbuhay nang mapuntahan sila ng vlogger
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang walong taong gulang na bata ang natulungan ng vlogger na si Virgelyncares kamakailan.
Nalaman ng KAMI na naabutan niya itong nangungutang ng kape at asukal para may mainom ang inang kumakalam na ang sikmura.
Nang usisain ni Virgelyn ang kalagayan ng batang si "Jenny", nalaman niyang nabinat umano ang ina nito sa panganganak.
Nakaratay lamang ito at bagaman at nakatatayo pa, nahihirapan na rin ito.
Hindi na rin maalagaan ng ina ang bunso niyang anak na naiiwan na lamang sa kanilang banig. Si Jenny rin ang nag-iintindi rito.
Mabuti na lamang din at mabait ang may-ari ng tindahan na nagpapautang sa pamilya ni Jenny.
Kahit alam niyang hindi makakabayad agad ang mga ito, patuloy pa rin niyang tinutulungan.
Katunayan, isinama pa ng mister ng may tindhan ang tatay ni Jenny para magkaroon ito ng trabaho.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Samantala, nang tanungin naman ni Virgelyn kung ano ang nais niyang matanggap una nitong sinabi ang kotse para raw sila ay makapasyal.
Subalit nang sabihin ni Virgelyn na hindi niya ito kayang bilhin, limang sakong bigas na lamang ang hiniling ni Jenny.
Tinupad naman ito Virgelyn kaya naman labis na nagpapasalamat ang ina ni Jenny. Dahil kasi sa kabaitan ng kanyang maasikasong anak, napansin sila at natulungan ng vlogger.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan. Sinusuportahan din siya ng mga OFW na siyang nagpapadala rin ng kanilang tulong.
Isa sa mga natulungan ni Virgelyn kamakailan ay ang ina na hindi na makalakad ngunit gumagapang pa rin para makagawa ng mga gawaing bahay.
Tulad ng Virgelyncares, isa rin si Denso Tambyahero sa mga kilalang vlogger sa bansa na pagtulong at pagmamalasakit sa mga Pilipino ang laman ng kanyang mga video.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh