Ina, sinurpresa ng anak niyang hindi nakauwi sa loob ng isang taon
- Viral ngayon ang isang TikTok video kung saan sinurpresa ng anak ang kanyang ina
- Isang taon na kasi itong hindi nakauwi kaya naman labis na nagulat ang ina nang makita ang anak
- Dahil naka-helmet, hindi agad nakilala ng ina ang kanyang anak
- Ngunit nang makita na ang nasa likod pala ng helmet ay kanyang anak, agad na niya itong niyapos at halos ayaw nang bumitaw
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang viral TikTok video ni Inchani @inchany.
Ipinakita niya kasi kung paano niya sinurpresa ang kanyang pinakamamahal na ina.
Sa maiksing video, nagpanggap si Inchani na kanya lamang classmate. Kunwaring nagpapatulong lamang ito sa kanyang nanay na magtanggap ng helmet.
Tinulungan naman siya ng kanyang ina ngunit bahagya itong nahirapan ngunit nang matanggal ito, halos hindi siya makapaniwala.
Agad niyang niyapos ang anak at hindi na na niya halos ito bitawan.
Isang taon ding hindi nakauwi si Inchani kaya naman ganoon na lamang ang pananabik ng ina na mayakap siyang muli.
"Napakasarap sa pakiramdam na mayakap kong muli ang aking inay pati na rin ang itay at mga kapatid ko."
"Walang katumbas ang saya na makasama ko muli ang aking pamilya"
Samantala, maging ang mga netizens ang matuwa sa video ni Inchani at karamihan sa kanila lalo na iyong mga hindi pa nakakauwi sa kani-kanilang mga pamilya ay nakaramdam na rin ng pananabik na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Naluha ako, bigla kong na-miss ang mama ko. Masuwerte ka nga may mama ka pa na uuwian, ako kasi wala na"
"Yes, totoo yan. Wala nang mas sasarap pa kundi ang makapiling ang mga mahal sa buhay"
"Ang sweet niyo naman po. Halatang miss na miss na po kayo ng nanay niyo"
"Si mother talagang hindi inalis ang pagkakayakap sa anak niya nakakatuwa"
"Miss na miss nila ang isa't isa... God bless your loving family po!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.
Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.
Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh