Top 6 Pinoy TikTok stars ng 2020

Top 6 Pinoy TikTok stars ng 2020

Ngayong taong 2020 kung saan nagsimula ang COVID-19 pandemic at nailagay sa community quarantine ang buong bansa, isa ang TikTok sa mga naging libangan ng mga Pilipino.

Narito ang anim na mga Pinoy TikTok stars na labis na nagbigay kasiyahan sa atin ngayong taon.

Top 6 Pinoy TikTok stars ng 2020

Top 6 Pinoy TikTok stars ng 2020 Photo from Niana Guerrero
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

1. Niana Guerrero @nianaguerrero

Si Niana Guerrero ay kilala ring YouTube star kasama ang kanyang kapatid na si Ranz Guerrero. Ngunit nang pinasok din niya ang TikTok, mabilis na pumalo sa 17.3 million ang followers niya rito. Marami ang humahanga kay Niana dahil sa husay niya sa pagsasayaw na kanyang naibabahagi sa kanyang social media platforms.

2. Yanyan De Jesus @yanyandejesus1

Halos hindi makapaniwala ang sikat din na TikToker na si Yanyan De Jesus nang umabot na sa 12.8 million ang kanyang followers. Sumikat siya dahil sa kanyang mga dance videos at marami rin ang humanga sa kanya sa husay niya sa paggawa ng sariling make-up.

Xander Ford, nakalaya matapos makapagpiyansa ng P18,000 ng kanyang talent agency

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

3. Sili Queen @siliqueenofficial

Umabot na sa 9.1 million ang TikTok followers ng pretty girl na si Sili Queen. Mula sa kanyang TikTok name, mahilig talaga siya sa maanghang lalo na sa sili na nakakain niya nang walang reaksyon ang mukha o di makikitaan na naaanghangan siya. Mayroon na rin siyang sariling YouTube channel.

4. Zendee @zendeeofficial

Si Zendee Rose Tenerefe ang isa sa mga sikat na TikTok stars dahil sa husay niya sa pag-awit. Bukod dito, aliw na aliw ang kanyang 7.6 million followers dahil sa kanyang kakulitan lalo na kung may binibigyang reaksyon niya ang mga comments ng ilang post. Pinakikilig din niya ang kanyang fans dahil sa love team nila ng isa ring YouTube star na si Marvin Fojas.

5. Lennie Enverga @lennieenverga

Umabot na sa 6 million ang followers ni Lennie dahil sa makukulit niyang videos na sobrang kinagigiliwan ng netizens. Nagbabahagi rin siya ng mga simpleng make-up tutorials at skincare routine.

Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

6. Marvin Fojas @marvsfojas

5.9 million na ang mga TikTok supporters ni Marvin na nito lamang ay iniwan ang kanyang regular job at tumutok na lamang sa pagiging isang content creator. Marami ang naaaliw sa mga videos ni Marvin lalo na at mga senaryo sa buhay ng mga Pinoy ang kadalasan niyang ginagawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

DISCLAIMER: The views and opinions expressed in this article belong solely to the author and not to KAMI.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel