Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview
- Nakunan ng ilang pahayag ng GMA News si Jonel Nuezca, ang pulis na nagawang barilin ang mag-inang Sonya at Frank Gregorio
- Muli niyang sinabi na labis na siyang nagsisisi sa nagawa sa mag-ina tulad nang una na niyang nabanggit sa chief of police ng Paniqui, Tarlac
- Makikita rin ang kalagayan ni Nuezca sa kulungan na kasama ng ilang bilanggo
- Mahaharap sa kasong double murder si Nuezca dahil sa kitang-kitang pamamaslang nito sa mag-inang kapitbahay niya na nasapul sa video
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakunan ng pahayag ng GMA News ang suspek sa pamamaslang kina Sonya at Frank Gregorio na si Jonel Nuezca.
Nalaman ng KAMI na kasalukuyan na itong nakadetina sa Paniqui Municipal Police Station.
Sa panayam sa kanya ni Emil Sumangil, muling nasabi ni Police master sargeant Nuezca na siya'y labis na nagsisisi sa nagawang pamamaslang sa mag-inang kapitbahay niya.
Kinumusta rin ni Sumangil ang mag-iina ni Nuezca at sinabi nitong ok naman ang mga ito.
Tinanong din ng reporter kung may mensahe ang pulis sa pamilya.
"Negative na sir, negative. Nakausap ko naman," ang sagot ni Nuezca.
"Pasensya na po, hindi na ako magbibigay ng statement, sa court na lang po," dagdag pa ng nakapiit na pulis.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa panayam naman ni Sumangil sa pamilyang naulila ni Gregorio, aminado silang hindi ganoon kadaling tanggapin ang sorry ng pulis.
Lalo na ang asawa ni Frank na si Ronalyn na mayroon pa lang karamdaman sa puso. Nawalan umano siya ng katuwang sa buhay lalo na pagdating sa kanilang anak na isang taong gulang pa lamang.
Narito ang kabuuan ng panayam sa unang bahagi ng 24 Oras ngayong Disyembre 22:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Disyembre 20 nang hapon nang maganap ang karumaldumal na pamamaslang ni Nuezca sa mag-inang Gregorio sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Paniqui, Tarlac.
Ayon sa mga kaanak ng napaslang, ang pagpapaputok umano ni Frank ng boga ang dahilan kung bakit napasugod ang pulis na naingayan.
Nagkainitan na ang magkabilang panig na dati na pala umanong nagkaroon ng iringan dahil sa usapin sa lupa.
Nagkataong nakisali umano ang anak ng suspek na kasama rin nito at nagawang sigawan ang inang Gregorio na noo'y yakap na ang anak na si Frank.
Matapos na sagutin ng inang si Sonya ang anak ng pulis, doon siya unang pinaputukan at sinunod na ang anak na si Frank.
Lahat ng pangyayaring ito ay nasapul sa video na kuha ng kaanak ng mag-ina.
Sumuko rin sa awtoridad ang suspek nang araw ding iyon at mahaharap ito sa kasong double murder.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh