Ama, pinatawad pa rin ang anak na halos mapatay siya nang malasing

Ama, pinatawad pa rin ang anak na halos mapatay siya nang malasing

- Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang viral video ng isang anak na nagwawala at nais na saktan ang sariling ama

- Nang makapanayam ang ama, sinabi nito ito ang unang beses na magawa ito sa kanya ng anak

- Duda ni Tulfo, nakagamit ng ipinagbabawal na gamot ang anak at nais na sana niya itong ipadampot sa mga awtoridad

- Subalit, hindi pumayag ang ama at pinatawad pa rin ang anak at nakipag-ayos na lamang sa kanilang barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-viral sa social media ang nakaaalarmang video ng anak na si Ayen Tang sa pananakit na ginawa niya sa amang si Julie Tang, nakarating na ito sa programa ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na sensitibo ang kumakalat na video kung saan makikita si Ayen na talagang hinahabol ang noo'y nagtatago nang ama na nais niyang saktan.

Read also

Trike driver na hawak ang grad pic at diploma ng anak, umantig sa puso ng netizens

Nang makapanayam ni Tulfo ang ama, sinabi nitong nakakainom lamang ang anak kaya marahil nagawa nito ang pagwawala.

Ama, pinatawad pa rin ang anak na halos mapatay siya nang malasing
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sinabi rin ng ama na iyon ang unang beses na nagawa ito ng anak.

Nang tanungin naman ni Tulfo si Ayen kung bakit niya ito nagawa sa ama, sinabi nitong hindi niya alam kung bakit. Inamin nitong siya ay nakakainom nang mga oras na iyon.

Diretsahan naman siyang tinanong ni Tulfo kung siya ba ay nakakagamit ng ipinagbabawal na gamot, ngunit mariin niya itong itinanggi. Tanging alak lamang ang naka-impluwensiya sa kanya noon kaya marahil nagawa niya ito sa sariling ama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kahit na halos ikamatay ng ama ang nagawa sa kanya ng anak, hindi pa rin ito pumayag na ipakulong si Ayen.

Naawa raw siya sa anak na kasa-kasama na niyang maghanap ng kanilang makakain noong ito ay maliit pa lamang.

Read also

Vlogger, naiyak dahil sa isang inang gumagapang makagawa lang ng gawaing bahay

Kaya naman dinala na lamang sa barangay ang dalawa upang pormal na magkaayos at nangako na rin si Ayen na hindi na niya muling gagawin ito sa kanyang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 19.6 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, natulungan din ni Raffy Tulfo ang isang lola na nagagawang saktan ng sariling apo.

Dinampot man ng mga awtoridad ang apo na gumagamit ng droga, nakuha pa ring maawa ng lola at inalala pa rin ang apo kung nasa maayos na kalagayan pa rin ba ito.

Read also

17-anyos na raketera, nagpapatayo na ng bahay para sa kanilang mag-ama

Hindi naman nalalayo sa kwento ng mag-amang Julie at Ayen ang isa pang dumulog sa programa ni Tulfo kung saan nagawang tagain ng anak ang walang kalaban-laban niyang ama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica