Ateneo de Davao, may mabigat na hakbang sa estudyanteng sangkot sa insidente
- Tinanggal na ng Ateneo de Davao University ang lalaking mag-aaral sa Junior High School na nasangkot sa insidente ng pananakit sa loob ng comfort room noong Nobyembre 5
- Kasabay ng pagtatapos ng disciplinary proceedings laban sa estudyante ay bumuo rin ang unibersidad ng isang task force upang masusing mapag-aralan at mapalakas ang mga hakbang laban sa bullying
- Siniguro naman ng pamunuan ng paaralan na patuloy pa rin ang kanilang pagsisiyasat sa iba pang aspeto ng pangyayari kabilang ang posibleng partisipasyon ng ibang estudyante
- Nakatuon naman ang Department of Education sa Davao Region sa takbo ng imbestigasyon habang nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian na paigtingin ang proteksyon at suporta sa mga mag-aaral
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Tinanggal na ng Ateneo de Davao University (AdDU) ang lalaking Junior High School student na sangkot sa insidente ng bullying sa loob ng comfort room ng kampus noong Nobyembre 5. Sa pahayag sa kanilang social media page, sinabi ng AdDU na tapos na ang disciplinary proceedings laban sa mag-aaral matapos kumalat ang video ng pananakit sa kapwa estudyante kasunod ng earthquake drill.

Source: UGC
“Following due process, the student has been dismissed from the Junior High School, effective immediately. Our inquiry into other aspects of the incident, including the involvement of other students, continues,” ani AdDU.
Itinatag din ng unibersidad ang University Task Force on Bullying Prevention and Safe Learning Environments upang suriin ang pagtugon sa mga ulat ng bullying at makinig sa mga estudyante, magulang, guro, at kawani. Tiniyak nilang haharapin nang may paggalang at pagiging kumpidensyal ang mga lalapit habang pinaiigting ang proteksyon at suporta sa mga mag-aaral. “This incident calls us to humility, reflection, and action. We must face where we have fallen short and strengthen the ways we protect and care for every learner entrusted to us. We owe our students and their families both accountability for what happened and meaningful steps to prevent further harm,” saad ng AdDU.
Nakatuon din ang Department of Education (DepEd) sa Davao Region sa imbestigasyon ng paaralan. “We will await for the outcome of this. We will respect the conduct of the investigation and we will spotlight our attention. Ang instruction ng ating regional director ay tutukan itong pangyayaring ito,” ani DepEd Davao Region spokesperson Dodong Atillo. Dagdag niya, “If ever na any of the parties will not be amenable to the outcome of this effort, pwede nila i-elevate sa Department of Education. And that’s the time that DepEd will take charge of the incident.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagpahayag naman ng pakikiramay sa biktima si Senate President Sherwin Gatchalian. “Bullying has once again reared its ugly head — this time at the Ateneo de Davao University Junior High School. I urge the Ateneo de Davao University to strengthen its anti-bullying measures, including mental health support and counseling services, to prevent similar incidents in the future,” aniya. Ang AdDU ay isang pribadong unibersidad sa Davao City na itinatag noong 1948 at saklaw ng Anti-Bullying Act of 2013 na nagtataguyod ng ligtas na kapaligiran sa mga mag-aaral.
Kasabay ng usaping ito, marami na ring personalidad ang nagbigay-diin na dapat maging ligtas ang mga paaralan. Sa naunang ulat ng Kami.com.ph, nagbahagi ang aktres na si Yasmien Kurdi ng pagninilay tungkol sa bullying matapos mapanood ang isang serye. Binalikan din niya ang pinagdaanan ng kanyang pamilya at iginiit na dapat maging ligtas na lugar ang eskwelahan.
Samantala, ibinahagi rin sa isa pang ulat ng Kami.com.ph ang tungkol sa isang 14-anyos na Grade 10 student sa Leyte na nakaranas ng bullying. Isinailalim sa psychological intervention at counseling ang naturang mag-aaral matapos siyang mag-post ng banta online. Tinutukan ng mga awtoridad ang pagbibigay ng gabay sa kanya.
Source: KAMI.com.gh

