Viral na MedTech na tinapos ang gawain kahit nasusunog na ang kalapit na gusali, hinangaan
- Hinangaan ang isang medical technologist na nakuhanan ng larawan habang tinatapos ang kanyang gawain
- Kahit nasusunog na ang kalapit na gusali ay hindi pa rin nagpatinag ang MedTech na nagsasagawa noon ng crossmatching ng dugo para sa kanyang newborn patient
- Nang matapos ang gawain, saka lamang ito lumabas at at lumikas
- Maging ang mga netizens ay humanga sa dedikasyong ipinakita ng MedTech
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ang post ni Stefan Balani tungkol sa kasamahan niya sa trabaho na piniling tapusin ang trabaho kahit nasusunog na ang kabilang gusali ng kanilang kinaroroonan.
Nalaman ng KAMI na kasalukuyan noong nagsasagawa ng crossmatching ng dugo para sa kanyang newborn patient ang medical technologist na si Jeia Guingue.
Sa isang larawan ni Stefan, makikita kung gaano na kalaki ang apoy sa kalapit nilang gusali.
Habang ang iba ay nagsisilikas na, matiyaga pa rin na tinatapos ni Jeia ang kanyang gawain habang bitbit na rin naman niya ang kanyang bag anuman ang mangyari.
Nang matapos ang crossmatching, saka pa lamang ito lumabas at lumikas. Ayon pa kay Stefan, "real call of duty" ang ginawa na ito ni Jeia.
Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa kanya di lamang sa katapangang pinakita niya kundi sa dedikasyon niya sa trabaho at hindi agad na iniwanan ang kanyang responsibilidad.
Narito ang komento ng ilang netizens:
"She did it because she can...I Salute her Calm and Presence of Mind... Mind over matter...A Call of Duty To Save lives."
"Saludo po sayo Miss Jeia. Hangga't kaya hindi mo basta iniwan ang iyong gawain.
"Grabe anlaki na noong sunog sa tabi nila o pero di pa rin siya nagpatinag"
"Great job girl! hindi biro ang ginawa mo, delikado pa rin kung tutuuusin pero tinapos mo talaga"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nito lamang Mayo, hinangaan din ang isang nurse na nagawang mailikas ang nasa 35 na mga sanggol mula sa nasusunog na gusali noon ng Philippine General Hospital.
Bandang ala-una ng madaling araw noong Mayo 16 nang umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa nasabing ospital na nagsimula sa ikatlong palapag ng gusali.
Agad na nailikas ang mga pasyente sa PGH Chapel kasama ang mga sanggol na naibaba nina Nurse Kathrina. Bandang 2:46 na ng madaling araw nang tuluyang humupa ang apoy. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh