Alwyn Uytingco, humingi ng tawad sa asawa kasunod ng mensahe ng kanyang biyenan

Alwyn Uytingco, humingi ng tawad sa asawa kasunod ng mensahe ng kanyang biyenan

- Sa kabila ng mga pambabatikos sa kanya, muling nagbahagi si Alwyn Uytingco ng mensahe para sa asawang si Jennica Garcia

- Humingi siya ng tawad sa lahat ng kanyang pagkukulang at pagkakamaling nagawa sa asawa

- Aniya, hindi mahalaga sa kanya ang sasabihin ng ibang tao at ang mga sasabihin lamang ng asawa niya ang importante para sa kanya

- Aminado din siyang natalisod umano siya ngunit hindi niya hahayaang ganoon na lang ang kanyang magiging kalagayan dahil patuloy daw siyang babalik sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos maging usap-usapan ang mga salita ng kanyang biyenan na si Jean Garcia, pinakita ni Alwyn Uytingco na hindi niya susukuan ang kanyang asawang si Jennica Garcia.

Alwyn Uytingco, humingi ng tawad sa asawa kasunod ng mensahe ng kanyang biyenan
Alwyn Uytingco (@alwynzky)
Source: Instagram

Sa isang Instagram post ay humingi si Alwyn ng tawad sa kanyang pagkukulang at pagkakamaling nagawa. Sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos, sinabi ni Alwyn na tanging ang mga salitang manggagaling sa asawa niya ang mahalaga para sa kanya.

Read also

Buboy Villar, nasusuportahan ang mga anak sa tulong ng paresan niya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Alwyn Uytingco ay nagsimulang makilala sa mundo ng showbiz matapos maging bahagi ng "Ang TV." Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Ang Tanging Ina kung saan gumanap siya bilang si Pip at ang 2018 film na Asuang kung saan ginawaran siya ng Best Acting Award sa Cinema One Originals 2018 International Film Festival.

Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Jennica Garcia. Isang makahulugang mensahe ang kanyang binahagi kasunod ng pag-viral ng video kung saan umiiyak si Jennica.

Sa isang panayam ay kinumpirma ni Jennica ang tungkol sa kanilang pinagdadaanan ni Alwyn. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi totoo ang isyu na dahil umano sa kakulangan sa sustento kaya sila naghiwalay. Pinagtanggol niya rin si Alwyn sa mga bashers.

Read also

Joey Marquez, huling umiyak nang pumanaw ang ina; "Ganun ko kamahal nanay ko"

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel