Buboy Villar, nasusuportahan ang mga anak sa tulong ng paresan niya

Buboy Villar, nasusuportahan ang mga anak sa tulong ng paresan niya

- Sa kabila ng hirap ng buhay dahil sa pandemya, hinahangaan ang aktor na si Buboy Villar

- Hindi lamang sa husay niya sa pagiging artista siya hinahangaan kundi pati sa pagiging ama sa kanyang dalawang anak

- Aminado siyang malaking tulong sa kanya ang kita ng kanyang paresan lalo na sa pambili ng pangangailangan ng mga anak

- Bukod dito, pinasok na rin ni Buboy ang paggawa ng mga video para sa kanyang YouTube channel na nakakatulong din umano sa kanyang gastusin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maaga mang nagkaroon ng responsibilidad ang dating child star na si Buboy Villar, sinigurado nito na matugunan niya ang mga pangangailangan ng kanyang dalawang anak. Bukod sa pag-aartista, todo kayod si Buboy sa paggawa ng YouTube videos at humahataw din ang kita ng kanyang paresan na kanyang tinawag na "Pares ni Bok."

Read also

Ate Gay, emosyonal na nagpasalamat sa mga kapatid para sa kanyang 'ikalawang buhay'

Buboy Villar, nasusuportahan ang mga anak sa tulong ng paresan niya
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Sa isang post ay pinakita niya kung gaano siya ka determinadong maibigay ang mga pangangailangan ng dalawang anak niya.

Pinasalamatan niya rin ang lahat ng sumuporta sa kanyang negosyo.

Maraming salamat sa mga nag support sa #ParesanNiBok eto ah kahit ano pa man pasukin mo makakaya mo bastat sipag at tyaga lang hindi na kasali dito kung mataas ka man o mababa bastat parehas tayo tao at kaylangan natin mabuhay sa pang araw araw . Alam kong hindi lang eto ang kaya ko

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Jennica Garcia, lalong gumanda at nagmukhang mas bata ayon sa mga netizens

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel