Ate Gay, emosyonal na nagpasalamat sa mga kapatid para sa kanyang 'ikalawang buhay'
- Labis-labis ang pasasalamat ni Gil Aducal Morales o mas kilala bilang si Ate Gay sa kanyang mga kapatid
- Matatandang kamakailan ay pinahirapan siya ng kakaibang sakit kaya naman maituturing na niyang ikalawang buhay ang ipinagdiriwang sa ngayon
- Bukod sa mga kapatid, ang mga kaibigan niya ang nagpaabot ng tulong kahit hindi naman siya nanghihingi ay kusang dumarating
- Ngayong nanunumbalik na muli ang kanyang sigla, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay saya sa mga tao
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Emosyonal na Gil Aducal Morales o mas kilala bilang si Ate Gay ang nakapanayam ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.
Nalaman ng KAMI na isa umano ang interview na ito sa mga unang panayam kay Ate Gay kung saan napag-usapan ang kanyang naging karamdaman at kung paano niya nalampasan ito.
Toxic epidermal necrolysis ang dumapong sakit kay Ate Gay kung saan nagbabalat ang kanyang labi at ilang bahagi ng kanyang katawan.
Kasabay pa nito ang pagkakaroon niya ng pneumonia at diabetes. Lahat ito ay kinaya ni Ate Gay sa tulong kanyang mga kapatid.
Isa raw ito sa mga mahahalagang natutunan niya sa pagkakaroon ng ganoong klase ng karamdaman sa panahon pa ng pandemya.
Dumating kasi sa punto na kinakailangan na siyang lagyan at palitan ng diaper ng kanyang mga kapatid na nagtutulungan para siya ay maalagaan habang nagpapagaling.
Katunayan, ang kapatid niyang nasa ibang bansa ang nagbayad ng bill niya sa ospital na labis din niyang ipinagpapasalamat.
Hindi na nga rin sana siya pinagtatrabaho nito ngunit siya na mismo ang nagsabi na nais pa rin niyang magbigay saya tulad ng dati na niyang ginagawa.
Nais pa rin niyang tumulong sa kanilang pamilya lalo na at 80-anyos na ang kanilang ina at 11 pa silang magkakapatid.
Naiiyak ako dahil, mahal pala nila ako na hindi ko naramdaman dati 'yun
Tila ang kanyang naging karamdaman ang nagbuklod muli sa kanilang pamilya na mas madalas na niyang nakakasama sa ngayon.
Bukod sa mga kapatid, ipinagpasalamat din niya ang mga kaibigan niya sa showbiz na nagpaabot ng tulong sa kanya. Kusang loob daw ang mga ito na nagbigay nang mabalitaan ang kanyang kalagayan noon sa ospital.
Ilan sa mga ito ay si Ogie Diaz, Paolo Ballesteros, Beks Batallion at maging si Vice Ganda.
Sa pagpapatuloy niya ng kanyang itinuturing na ikalawang buhay, tuloy pa rin ang paghahatid niya ng masasarap na halakhak sa bawat makakapanood sa kanya online man o maging sa entablado sakaling maging maayos na ang lahat.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Gil Morales o mas kilala bilang si 'Ate Gay' ay isa sa mga kilalang stand-up comedian sa bansa. Nakilala siya dahil sa husay ng paggaya niya sa Superstar na si Nora Aunor. Isa ring mahusay na singer si Ate Gay na siyang nagpauso ng mga 'mash-up' songs. Taong 2012 nang magkaroon nito ng solo concert sa SM MOA Arena.
Bukod kay Ate Gay, naging panauhin din ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ang aktor at komedyante na si Joey Marquez gayundin si Bearwin Meily.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh